65. Start of a New Conflict

1.9K 79 20
                                    

Nagsayihan kami nung matapos yung ceremony namin. Dito lang din sa beach area yung dinner at may pa-jam pa. May sumasayaw at isa na dun yung kakambal ko at si Tao. Masaya ako na makita ko ang mahal ko sa buhay na kasalo namin sa celebrasyon na ito. Kahit konti lang yung inimbita namin ay masaya pa rin ang araw ko.

Habang nakatingin ako sa paligid ay napansin ko na nandito pala si Drake. Hindi ko siya nakita kanina baka siguro sa pagka overwhelm ko.

"Drake." Tawag ko nung lumapit ako sa kanya habang nakikipagsayawan siya kasama sina Queenie.

"Kuya Wayo... congrats!" Binati niya ko at napayakap pa siya.

"Nag-enjoy ka ba?" Tanong ko.

"Oo naman. Masaya din ako para sayo. Kung kasing edad lang kita ako sana asawa mo." Sagot niya.

Binatukan siya ni Queenie at napa-aray pa siya. Nagtago pa siya sa likod ko.

"Maharot kang bata ka! Umayos ka Drake. Unahin ang pag-aaral." Saway ni Queenie.

Tumawa lang kami ni Tao.

"Ikaw din naman sis, maharot ka." Sabi ko at nakatingin ako sa kamay niya na nakahawak pa sa dibdib ni Tao.

Agad naman niya binawi yung kamay niya at natawa nalang ako. Hay naku, nahiya pa siya sakin eh alam ko naman na sila na... I guess.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko kay Drake.

"Yes, Kuya Wayo. Busog na po ako." Sagot niya at nakangiti pa habang kumakapit sa braso ko.

"Good. Just enjoy the occasion, okay?"

Tumango siya at iniwan ko sila saglit. Pupunta sana ako sa restroom dahil call of nature. Habang papunta ako ng restroom ay pakiramdam ko may sumusunod sa akin. Napalingon ako pero wala namang tao. Nagpatuloy nalang ako sa paglakad hanggang sa nakarating ako sa restroom. Pagbukas ko ng pinto ay agad may tumulak sa akin papasok.

Nanlaki ang mga mata ko nung nakita ko yung taong tumulak sa akin.

"Godt?!"

"Ako nga." Sagot niya at parang lasing siya ngayon.

Amoy alak siya at parang iba yung mga tingin niya sakin. Hindi ko alam na nandito pala siya sa kasal ko. Mabuti nalang ay hindi siya umeksena kanina sa ceremony namin ni husbey.

"Lumabas ka nga dito!" Napalakas yung boses ko.

"Bakit naman? Pareho naman tayong lalake at saka, baka kailangan mo ng tulong ko." Sabi niya.

Wala na wastong katinuan si Godt dahil na-impluwensyahan na ng alak.

"Get out Godt while I'm not mad at you." Sabi ko.

"Wala akong paki-alam kung galit ka sakin o hindi. Ang gusto ko lang ngayon ay matikman ka."

Dahil nainis ako sa sinabi niya ay sinubukan ko siyang itulak pero nasalo niya ang mga kamay ko. Ngumisi pa siya at bigla niya pinuwersa yung kamay ko papunta sa likod ko. Isang kamay lang ang nakahawak sa mga kamay ko at may kinuha siya sa likod niya at pinosasan niya ko.

"Godt!!" Sumigaw ako at agad niya tinakpan yung bibig ko.

Kakagatin ko sana siya pero mabilis niya binawi ang mga kamay niya at nagulat ako nung may tinali siya sa bibig ko. Sobrang higpit ng pagkatali nito at hindi ako masyadong makasigaw.

"Sorry baby, I'm crazy over you kaya gusto kita maangkin kahit may asawa ka na. Wala akong paki-alam kung anong iisipin mo sakin pero, ito lang ang gusto ko ngayon!" Sabi niya.

My Fair PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon