39. Untimely Decision

2.1K 94 43
                                    

Hindi ko alam kung paano haharapin ang daddy ni Bas. Nasa harapan ko na siya ngayon at parang alam niya ang lahat ng nangyari sa amin pati na rin sa mansion at kumpanya.

"Hello sir, ako pala si..."

"Wag ka ng pormal sa akin Godt. Alam ko na boyfriend ka ng anak ko na si Wayo."

Napalunok na ako nung sinabi na ni tito yun. Parang bibitayin na ako at pinagpawisan pa ako kahit may aircon sa bahay na ito.

"Don't worry, hindi ako tutol sa pagmamahalan niyo dahil hindi naman kayo magpinsan."

Napatingin ako sa daddy ni Bas dahil sa sinabi niya. Alam din ba niya yung pagkatao ko? Na-curious na ako.

"Alam niyo po ba kung sino po ang tatay ko?" Napatanong na ako. Gusto ko lang malaman.

May binigay si Perth sakin na isang envelope at tiningnan ko ito. Pina-background check pala ako ng daddy ni Bas. Hindi nga ako isang Panitchayasawad. Pero hindi ko matanggap ang nakasulat sa papel na ito pati na rin sa birth certificate ko.

Hindi rin Godt ang pangalan ko na nakalagay sa certificate na ito. Naisip ko na baka nagkamali lang si Tito.

"Ikaw si Phana Kongthanin. Anak ka ng isang nagmamay-ari ng hospital sa Bangkok pero binili namin yun hospital na yun under my name nung nalaman namin na pinatay ang pamilya mo. Akala ko nga patay na rin ang anak nila dahil sa mga reports na pineke pala." Sabi ni ng daddy ni Bas.

Hindi ko mapigilan na magulat sa totoong pagkatao ko.

"Hindi ko alam kung paano ka nakuha ni Trina at sa panahong iyon ay magkasintahan sina Trina at Tay." Paliwanag niya sakin.

Napaiyak na ako sa sinabi ni tito ngayon at parang hindi ko lubos maisip na magagawa sakin 'to ng kinilala kong ina. Hindi din pala siya ang totoong magulang ko.

"Dahil gusto ni Trina na mapabilang sa pamilya namin ay ikaw ang ginawa niyang anak para kilalanin ni Tay pero hindi sumang-ayon si ang panahon sa kanya dahil alam ko na walang nangyari sa kanila. Pinipilit lang ni Trina na kilalanin ka na anak ng kapatid ko."

"Kaya pala hindi ako kayang mahalin ng kinilala kong ama." Sabi ko habang napaiyak ako.

"No, Godt. Napamahal ka na din ng kapatid ko pero yun din ang araw na namatay siya sa sunog."

Napatingin ako sa kanya nung nabanggit niya ang sunog. Parang naghihinala siya na si Trina ang may gawa nun. Kung totoo nga na si Trina ang may gawa nun ay mas lalo hindi ko siya mapapatawad. Ginamit niya ko para yumaman siya pagkatapos pumatay pa siya para maging sa amin yung kayamanan ni Lolo.

"Si Tay ang nakuha nilang bangkay na kasama ang asawa ko. Sabay sana kami makalabas sa sunog kaso pinagbabaril yung resthouse at natamaan silang dalawa. Gusto ko sana sila itakas habang gumagapang ako at umiiyak pero ayaw na ng kapatid ko. Gusto niyang mabuhay ako para sa mga kambal at para din sayo."

Umiiyak ngayon ang daddy ni Bas nung kinuwento yung nakaraan niya.

"Godt, I'm sorry kung hindi kita nakuha kay Trina dahil bantay sarado siya sayo."

"Matagal mo na ba alam ang lahat na ito, Queenie?" Tinanong ko siya dahil noon, parang wala lang siya, yun pala may sekreto siyang tinatago.

Ano pa kaya ang hindi niya nasasabi at nagpanggap pa siya samin ni Bas?

"Oo, matagal na. Nung pumasok sina Perth at Saint sa kumpanya natin. Ako kasi ang nag-interview nun nung busy ka. Kaya, doon nila sinabi ang pakay nila sa pagpasok nila sa kumpanya. Sinamahan din nila ako dito para makita ko si dad at tinago ko lahat na parang wala akong alam." Sagot ni Queenie.

My Fair PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon