Nag-stay kami ng city for three days at palagi ako bumibisita sa bahay nina Mama at Papa. Hindi naman sumama sakin yung asawa ko dahil may ginawa sila kasama ang mga kaibigan ko. Wala naman akong i-reklamo dahil alam ko na hinahanda ni husbey yung kasal namin pero, gusto ko sana kasama ako sa plano. Ayaw naman ng asawa ko dahil gusto niya siya na lang maghanda at surpresahin nalang niya ko.
Ang tanong, kailan ba ang kasal namin?
Wala naman siyang binanggit kung kailan. Sa tuwing tinatanong ko siya ay ngumisi lang ang asawa ko. Muntik ko na nga siya awayin dahil naiinis na ako sa mga pa-sekreto niya sakin. Pati mga kaibigan ko ay tahimik lang din at ayaw magsalita kahit tinakot ko na.
Nandito ako ngayon sa bahay nina Mama at Papa, at wala ako sa mood ngayon dahil umalis naman ang asawa ko kasama ang mga kaibigan ko. Palagi na lang ako iniiwan ni husbey at itong inis ko ay parang maging galit na.
"Anak, kumain ka muna." Sabi ni Mama at nilapag niya yung burger sa harap ko.
Ayoko sana magpadala sa pagkain pero hindi ko mapigilan kaya kinain ko. Inubos ko ito agad at binigyan na ako ni Mama ng mango juice. Ininum ko naman dahil baka ma-choke pa ako.
"Ma, thank you."
Satisfied naman ang sikmura ko pero kulang siya. Ayoko naman humingi pa dahil nahihiya ako kay Mama.
"Gusto mo pa ng isa, anak?" Tanong ni Mama sakin at agad ako tumango.
Wag tumanggi sa grasya!
Kinain ko agad nung nilapag ulit ni Mama yung second serving ng burger. Masarap naman kasi. Binigyan ulit ako ni Mama ng juice at inubos ko.
I miss eating hamburger.
Ayaw kasi ni husbey na kumain ako ng burger dahil sa cholesterol at di daw healthy kahit handmade pa ng chef namin. Self-conscious lang talaga yung asawa ko.
"Anak, kailan ba kasal niyo ni Sir Frank?" Tanong sakin ni Mama.
"Yun na nga Ma, hindi ko alam. Naiinis nga ako sa asawa ko dahil ayaw niya sabihin sa akin." Sagot ko.
"Baka surprise wedding anak."
"Hindi na po surprised dahil alam ko ikakasal ako."
Tumawa si Mama.
"I mean, baka susurpresahin ka ng asawa mo kaya hindi niya sinabi kung anong araw yung kasal niyo." Sabi ni Mama.
Sige, considered na as surprise wedding din. Pero wala na yung thrill dahil alam ko na ikakasal ako ulit.
"Ma, bakit walang tao dito sa bahay? Napansin ko pagdating ko dito, wala si Kuya. Si Papa, nasa kwarto ba?" Tanong ko.
Nung pupuntahan ko na si Papa sa kwarto niya ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Hindi ko alam kung bakit at medyo nag-blurred na rin yung paningin. Nakita ko lang na si Kuya Tod ay lumapit sa akin.
"Kuya?" Napatanong pa ako. "Nahihilo ako."
Hindi ko na kaya yung pagkahilo kaya...
~~ Two Hours After ~~
Unti-unti ako nagising at minulat ko yung mga ko ng dahan-dahan. Medyo may pagka-blur pa nung una at agad naman luminaw. Napatingin ako sa paligid ko at agad ako kinabahan. Nagising kasi ako sa unfamiliar na lugar at parang nasa isang kwarto ako.
Bumangon ako at pilit ko inaalala yung nangyari bago ako nagising.
Huli kong natandaan ay nakaramdam ako ng pagkahilo at nakita ko pa si Kuya Tod na lumapit sa akin pagkatapos nun ay wala na akong maalala.
BINABASA MO ANG
My Fair Prince
FanfictionStorya ito ng isang teenage boy (Bas) na napilitan magpanggap na babae dahil sa isang rason na kailangan ng taga-pagmana ang pamilyang Panitchayasawad, na isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa bansa. Sa kanyang pagpapanggap ay makilala niya ang is...