Nakabantay ako ngayon kay Frank dito sa suite type room ng hospital. Hindi pa rin ako makapaniwala sa natuklasan ko tungkol sa kondisyon niya. Pagsusuka, walang ganang kumain, pati na rin nung sinubukan ko siyang kargahin kanina ay parang gumaan siya, walang ganang kumain, at palaging pagod... lahat ito ay sinyales ng sakit niya.
Hindi pa naman ito malala dahil natuklasan kaagad ng doktor niya nung nagpa-check up siya. Lahat ng signs na yun ay side effects din ng chemotherapy niya.
Agad siya nagpagamot dahil lang sakin pero sabi ng doktor, walang ksiguraduhan ang cure ng sakit niya. Depende pa rin ito sa rapid growth ng abnormal cells sa bone marrow at blood.
Ngayon ko lang na-gets kung bakit gusto niya na mahalin ko siya kahit rebound lang.
Napansin ko na nagising na si Frank at parang nalito pa siya kung saan siya ngayon. Nilapitan ko siya at tinanong kung may masakit ba sa kanya.
"Bas? Nasaan ako?" Tanong niya.
"Nasa hospital ka."
"Ano pala nangyari?"
Hindi ko mapigilan na umiyak sa harap niya dahil nasasaktan ako habang iniisip ko yung kalagayan niya.
"Nahimatay ka sa office mo kaya sinugod ka namin dito." Sagot ko.
Tumango lang siya at pinunasan niya yung mga luha ko.
"Wag ka ng umiyak sa kondisyon ko. I'm sorry kung hindi ko sinabi sayo. Gusto ko lang mamuhay ng normal kasama ka pero hindi rin kaya ng katawan ko." Sabi niya.
Agad ko siya niyakap dahil hindi ko kaya na mula sa kanya ang pag-amin niya sa sakit niya kahit indirect ang pagkakasabi niya.
"Ako yung mag sorry sayo, Frank. Kahit may sakit ka, hindi mo pa rin ako iniwan. Kahit palagi ko sinasabi sayo na may mahal akong iba, minahal mo pa rin ako kahit walang kapalit." Sabi ko habang umiiyak sa dibdib niya.
He pat my head just like a baby.
"Wala naman akong hiningi sayo di ba? Pagmamahal lang kahit rebound ako... yun lang ang isang hiling ko sayo." Sabi niya.
Tumango ako sa kanya dahil palagi niya hinihiling sakin 'to pero di ko mapagbigyan. Pero, ngayon wala na akong koneksyon o relasyon kay Godt, siguro naman pwede ko na mahalin si Frank. These past few days ay unti-unti ko na rin siyang natutunan mahalin. Kahit nasasaktan siya na makita ako na hindi pa naka-move on noon kay Godt ay pilit ko pa rin pinakita sa kanya na si Godt pa rin.
Kaya, enough is enough. That's why my heart tells me every time I see him that I really need to care for this person because he's sick. Kailangan na niya ng karamay sa pakikipaglaban sa sakit niya.
"Nung na-diagnose ako ng leukemia, hindi ako nagdalawang isip na magpa-chemotherapy dahil sayo."
Napatingin na ako kay Frank habang umiiyak pa rin ako.
"My love for you becomes my will and inspiration to live. Kahit masakit man isipin na si Godt ang mahal mo, pinanghawakan ko pa rin yung pagmamahal ko sayo."
Pinunasan niya ulit ang mga luha ko habang nakasandal pa rin ang ulo ko sa dibdib niya.
"Suppossedly, si Queenie ang mahal ko dahil siya kasi yung nasa napagkasunduan ng mga magulang natin. But when I get to you know more in a character of Queenie at nalaman ko na hindi ka pala si Queenie, hindi pa rin nagbago yung pagmamahal ko sayo. Ikaw pa rin yung mahal ko, Bas."
Bakit pakiramdam ko ako yung masama ngayon? Nakonsensya tuloy ako sa mga ginawa ko kay Frank.
"Frank, wag ka mag-alala. Sasamahan kita sa pakikipaglaban sa sakit mo."
BINABASA MO ANG
My Fair Prince
Fiksi PenggemarStorya ito ng isang teenage boy (Bas) na napilitan magpanggap na babae dahil sa isang rason na kailangan ng taga-pagmana ang pamilyang Panitchayasawad, na isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa bansa. Sa kanyang pagpapanggap ay makilala niya ang is...