22. Indignation

2.4K 114 25
                                    

Napakunot ng noo si kuya Tod nung nagkunwari ako na hindi ko kilala yung nasa picture ng isang article. Mukhang hindi siya naniwala sa akin.

"Wag ka nga magkunwari Bas."

"Hindi nga ako nagkunwari." Parang tumayo mga balahibo ko sa pagsisinungaling ko. "Nabasa mo na ba yung article na yan?"

"Oo at nagpapanggap ka lang di ba?"

Bakit ang hirap paniwalain ni kuya? Mas lalo akong nahirapan na kumbinsihin siya.

"Sa tingin mo ba magdadamit pambabae ba ako? Never mo naman ako nakita na ganun, di ba?"

"Hindi nga pero kahit titigan ko yung picture, ikaw ang nakikita ko." Sabi ni kuya.

Gusto ko na mawala sa kwartong ito dahil nahihirapan na ako. Talagang mapilit si kuya Tod sa gusto niyang isipin.

"Ewan ko sayo kuya kung ayaw ko maniwala sakin. At papano naman ako makakapunta ng Thailand na wala nga akong passport."

Another lie is on the line. Patong patong na itong kasinungalingan ko.

"Talagang nakuha mo pang magsinungaling sa akin ha?!"

"Wala na akong pakialam kung ayaw mo maniwala sa akin. And besides, will you please mind your business okay?"

Nagkunwari akong galit para madepensahan ko yung pagsisinungaling ko. Ayoko pa malaman ni kuya yung mga ginagawa ko. May panahon din ang lahat ng ito at nakahanda na ako kung ano maging consequences ko.

Lumabas na ako ng kwarto ni kuya at pumunta ng kwarto. Humiga na lang ako ng kama dahil pagod na pagod ako for the last week hanggang sa nakatulog ako.

"Mama!"

Umiiyak yung bata habang tinatawag niya yung mama niya. Napalibutan siya ng apoy at hindi ko alam kung saan ito. Biglang may kumuha sa bata na nasa isang sunog at pakiramdam ko ako yung bata.

Nagising ako sa panaginip na yun. Naghahabol ako ng hangin ngayon at pinagpawisan.

Napanaginipan ko na din 'to dati pero umabot ako na may taong kumuha sakin at hindi ko alam sino. Bumangon nalang ako at napatingin ng oras. Midnight na pala kaya kinuha ko yung phone ko at bumaba para kumain. Nagutom kasi ako.

May limang notifications pala ako mula kay Tae. Nung binasa ko ay nasa tapat siya ng bahay ko 6 hours ago pa yung message. Lumabas ako at tiningnan baka naghintay si Tae pero wala ng tao. Nagsend nalang ako ng message sa kanya.

Nag-open ako ng Instagram ko at marami akong notifications mula sa mga nag follow sakin. Marami silang tanong kung ka-ano ano ko si Queenie dahil magkamukha daw kami. Yung iba, nagtag pa ng link ng article na yun.

Kalat na kalat talaga itong isyu na 'to about Queenie as the next heiress at yung fiance thing nila ni Frank. Mas lalo ako kinabahan dahil buong mundo na ang nakakaalam.

Binuksan ko yung Facebook account ko at marami din akong mga direct messages mula sa iba't ibang tao but mostly yung mga Thai. May nagpost pala ng collage na picture namin ni Queenie.

Biglang nagring yung phone ko.

"Tae, ano 'tong mga nababasa ko sa social media?"

"Yan ang pinunta ko diyan Bas para warningan kita. Sa ngayon ay pinapaayos ko na kay dad yung isyu." Sagot niya sa akin.

Now I know kung bakit siya naparito kanina.

"I suggest na mag deactivate ka na ng social media accounts mo. Hindi ka tatantanan ng mga tao."

My Fair PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon