Trending ngayon yung mga ganap sa anniversary party. Hindi lang yun ang trending pati na rin ang daddy ko at si Wayo Panitchayasawad. Parang naging sentro ng chismis ngayon ang pamilya namin.
Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko na nagshopping dito sa mall. Ang awkward nga eh dahil may mga bodyguards kami.
Nakuwento ko na rin sa kanila kung bakit tight ang security ng bahay at pati paglabas namin.
"Oreo, nakausap mo na ba si kuya Tod?" Tanong ko sa kanya habang umiinom kami ng milktea.
"Oo... pumayag na siyang umuwi."
"Good. Ayoko din na manatili siya dito." Sabi ko.
Iniisip ko din sina mama at papa na naiwan dun sa Pilipinas. Baka nag-alala na din sila kay Kuya Tod at kailangan ng tulong ni Mama sa pag-aalaga kay Papa.
"Bas, are you staying here for good?" Tanong sakin ni Oreo.
"Yes, Oreo. Ayoko iwan ang asawa ko." Sagot ko.
"Ganun talaga Oreo kapag may asawa niya. Ayaw ng humiwalay kung mahal mo... gaya mo." Sabi ni Jerome.
Wow! Iba din si Jerome makapagsalita. Well, totoo naman din based from mu experience.
"Paano na si Godt?"
Hindi ko inasahan na tanungin ako ni Oreo tungkol kay Godt.
"Hindi ko pa siya nakausap. Kailangan na din niyang tumino dahil magkakaanak na siya." Sagot ko.
Nagulat silang dalawa sa sinabi ko. Hindi naman nakakagulat yun dahil natural naman sa mag-asawa na magka-anak. Pero, kailangan talaga ni Godt na panagutan yung bata.
"Sigurado ka sa sinabi mo Bas?" Tinanong ako ni Jerome.
"Not really... dahil si Pring lang naman nagsabi at wala siyang pinakita na ebidensya." Sagot ko.
At saka, bakit ko pa pakikialaman yung buhay nila bilang mag-asawa. Masaya na ako na magka-pamilya na si Godt.
"Kayo ni Frank... ano plano niyo?" Tanong sakin ni Jerome.
"Nabanggit nga niya tungkol sa anak. Alam mo naman na hindi ko siya mabibigyan ng anak kaya magpa-artificial insemination na lang kami." Sagot ko.
"That's good at gawin niyo ng dalawa para tig-iisa kayo." Sabi ni Oreo at napatawa pa siya.
Ganun naman talaga ang plano ni Frank para naman magkapamilya kami. Gusto ko rin ng may baby na inaalagaan.
Pagkatapos namin nag-milktea ay nagpatuloy kami sa pag-shopping. Ewan ko sa dalawang 'to kung bakit gusto nila mag-shopping. Baka nalibot na nila yung pasyalan dito.
Habang pumipili sila ng bibilhin ay biglang nagring yung phone ko. Ang kakambal ko ang tumatawag sakin.
"Yes Queenie.."
"Wayo, gusto ka maka-usap ni dad ngayon." Sabi niya.
Bakit gusto ni dad na maka-usap ako? Hindi pa nga ako handa na humarap sa kanya.
"Sabihin mo kay dad na ako yung tatawag kung kailan ko gusto makipag-usap." Sabi ko.
"Galit ka ba sa amin? Dahil ba tinago namin na buhay si dad?" Tanong sakin ni Queenie.
"Honestly, yes... pero kailangan ko pa ng time at space para makapag-isip." Sagot ko.
Ayoko naman magsinungaling kaya sinabi ko na yung totoo. Talagang may galit pa din ako at gusto ko mawala ito bago ako humarap kay dad.
BINABASA MO ANG
My Fair Prince
FanfictionStorya ito ng isang teenage boy (Bas) na napilitan magpanggap na babae dahil sa isang rason na kailangan ng taga-pagmana ang pamilyang Panitchayasawad, na isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa bansa. Sa kanyang pagpapanggap ay makilala niya ang is...