Queenie's POV
Papunta ako ngayon sa kumpanya ng pamilya ko para makipagkita kay Frank. Hindi ko alam kung bakit pa siya pumasok sa business namin. Lalo tuloy akong nag-aalala sa kanya. Sa panahon na ito, si Godt sana ang humarap kay Frank pero kailangan ko 'tong gawin para sa amin ng kapatid ko at pati na rin kay Lolo.
Wala na kasi akong mapagkatiwalaan na mga tao pati na rin sa bahay namin. Si Godt nga, mismo Mama niya pinagduduhan din niya.
Pagdating ko sa company building ay sinalubong ako ng secretary ko.
"Young lady, nasa office mo na po si Mr. Thanatsaran."
"Thank you, P'Jane."
Sabay na kami umakyat papunta ng office ko at pagpasok ko ay binati ako ni Frank. Umupo kami sa mini-sofa ko dito sa office.
"Sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo Frank?" Tanong ko sa kanya dahil gusto ko pa siya magbago ng isip.
"Oo. I already have a consent from your brother too."
Ahh. Kinausap din pala niya si Bas regarding this at hindi siguro kinumbinsi ng kapatid ko na wag niya ituloy ang partnership.
"Ano pala ang rason mo kung bakit naisipan mo pumasok sa kumpanya namin?" Curious lang ako.
"Marami... pero ang main reason ko dito ay si Bas."
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko tuloy maisip kung anong iniisip ni Frank. Ganito ba siya ka obsess sa kapatid ko?
"Si Bas? Bakit?"
"Hindi ko pa pwedeng sabihin sayo, Queenie. Maraming tenga na nakikinig sa kumpanya mo. Hayaan mo na lang ako and I'll make sure na hindi ko sisirain ang kumpanya mo."
Nakita ko naman yung sincerity niya sa mga mata niya. Pero, bakit si Bas ang main reason niya kung bakit gusto niya pumasok sa kumpanya namin? Marami tuloy akong tanong sa isip.
"Just this... I'm doing this for Bas."
Hindi na ako nakipag-argue o nagtanong. Siguro naman may mga plano siya na hindi ikakasira samin magkapatid. Binigay niya sakin ang isang envelope kung saan nakasulat ang mga terms ng partnership namin.
Hindi ko muna binasa dahil ipapasuri ko pa ito sa lawyers namin at pati na rin kay Godt. Malamang matutulungan niya ko.
"Just let me know if you're going to push our partnership." Sabi niya.
"Okay."
"Nga pala. May pinabigay si Bas sayo." He gave me an envelope.
Hindi ko muna binuksan dahil aalis na sana siya pero may sinabi pa ako bago siyang lumabas.
"Thank you, Frank. Alam ko na may galit ka pa din sa puso mo dahil nadamay ang pamilya mo sa gulo ng pamilya ko."
Lumingon siya sakin at ngumiti. "Matagal na yun Queenie and I find peace when I met your brother. He made me realized something in life."
Tumango na lang ako sa sinabi niya kahit hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila ni Bas. I'm sure, may nasabi din si Bas na mawala lahat ng galit niya sa pamilya ko.
Paglabas niya ay tumawag si Perth sakin.
"Young lady, nakabalik na si Tae ng Thailand."
"Good. Baka na-alarma siya partnership namin ni Frank. Knowing him, he won't let a person go inside my company... lalo pa na karibal niya si Frank kay Bas."
BINABASA MO ANG
My Fair Prince
FanfictionStorya ito ng isang teenage boy (Bas) na napilitan magpanggap na babae dahil sa isang rason na kailangan ng taga-pagmana ang pamilyang Panitchayasawad, na isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa bansa. Sa kanyang pagpapanggap ay makilala niya ang is...