My life changed when my husband passed away. His presence is what I miss. The smell of his hair, the warmth of his touch, the love that I really miss so much in my life, feels like I'm still looking for that.
Masyadong masakit ang nangyari sakin, ang mawalan ng asawa. Pagkatapos ng libing ay nagmukmok ako ng isang araw lang. Hindi naman pwede na titigil na ang buhay ko dahil iniwan ako ng asawa ko. Alam ko na gusto ni husbey na mag-move forward ako sa buhay ko.
May mga anak pa ako na palalakihin ko pa.
Sila din ang nagbibigay sakin ng lakas at saya kahit nalulungkot pa rin ako. Na-ipangako ko kay husbey na palakihin ko ang mga anak namin ng mahusay at yun, isang araw lang ako nagluksa, dahil alam ko ayaw ni husbey na malunod ako sa lungkot at sakit ng pagkawala niya.
Nasa Pilipinas ako ngayon kasama ang mga anak ko at si P'Dott. Iniwan ko muna ang bahay namin kay Tao at Queenie para naman may mag-alaga kahit wala kami.
Masaya ang pagtanggap nina Mama at Papa sa amin pero nabahiran din ng lungkot dahil nalaman nila ang nangyari. Pero, ang mga bubwit ko ang nagbigay saya sa amin kaya hindi na ako masyadong nasaktan at malungkot. Masaya din sina Papa at Mama nung makita nila sina Theo at Cerdic.
Si Kuya Tod, nag-internship na siya at gagraduate na din siya. Mabuti na lang at nagpatuloy siya sa pag-aaral. Hindi din mawala sa tabi si Oreo kay Kuya dahil aside from being a lover ay parang naging yaya na din si Oreo sa pag-aalaga ni Kuya Tod. Hahaha!
Naisip ko na gusto kong bumalik sa pag-aaral dahil iba pa din yung nakatapos talaga.
Nanirahan kami dito halos tatlong linggo na. Na-miss ko kasi ang pamilya ko dito pero hindi din pwede na iwan ko lahat ang nasimulan ko sa Bangkok.
Habang nagpakain ako sa mga anak ko at naghapunan na din sina Mama, Papa at P'Dott ay may biglang nagdoorbell. Napatanong ako kina Papa kung may bisita pero wala naman daw. Hindi naman uuwi si Kuya Tod dahil 24-hour duty sa hospital laboratory. Nagpresenta na ko na buksan yung gate.
Pagbukas ko ay nagulat ako sa taong nakaabang.
"Godt?" Nagtaka ako kung bakit siya nandito. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"May kailangan kasi kang pirmahan para sa kumpanya." Sagot niya.
Pwede naman niya i-email yung document na pipirmahan ko. Modern technology makes life easy kaya.
"Sana pinadala mo na lang sa email para hindi ka na bumiyahe."
"Actually, hindi lang din yun... gusto din kita kamustahin." Sabi niya.
Bago pa kami magkuwentuhan ay pinapasok ko na siya sa bahay. Hindi naman siya ibang tao kina Mama at Papa dahil kilala naman nila si Godt. Niyaya ko na din siyang maghapunan at hindi siya tumanggi. Mukhang kakagaling lang niya sa biyahe.
Napa-nganga na lang ako dahil mabilis kumain ngayon si Godt. Hindi naman siya monster na katulad ko na maubos yung pagkain in just a minute.
"Sorry... gutom lang talaga ako. Dumeretso na kasi ako biyahe nung nag-out na ako sa kumpanya." Sabi niya.
Napabuntong hininga na lang ako sa kanya. Pwede naman siya mag-order ng pagkain sa plane.
Nakaramdam din ako ng hiya dahil sa lahat ng tulong na ginawa niya para sa amin ni husbey. Hindi niya kumpanya ang hinandle niya ngayon pero willing siya na tulungan kami sa pamamahala ng kumpanya ng asawa ko. Mga ilang buwan na din siya nagtrabaho ng husto. Hindi lang yung kumpanya ni husbey, pati na rin yung sakin at yung hospital pa niya.
Siguro, siya na ang tinaguriang "Ang Lalakeng Walang Pahinga".
Pagkatapos namin kumain ay tinulungan ako nina P'Dott at Godt na patulugin ang mga anak ko. Pero, si Theo, ang likot at ayaw pang matulog. Si Cerdic naman tahimik lang pero medyo inaantok na din.
BINABASA MO ANG
My Fair Prince
Fiksi PenggemarStorya ito ng isang teenage boy (Bas) na napilitan magpanggap na babae dahil sa isang rason na kailangan ng taga-pagmana ang pamilyang Panitchayasawad, na isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa bansa. Sa kanyang pagpapanggap ay makilala niya ang is...