Late na kami nagising ni Jerome dahil sa sarap ng tulog namin. Ikaw kaya makahiga sa sobrang lambot na kutson, hindi ka ba gaganahan na matulog buong araw?
Agad ako naligo at nagbihis Queenie. Mabuti nalang tinulungan ako ni Jerome na pumili ng damit at pagkabit ng fake boobies ko. Siya na rin nag-ayos ng wig ko at make-up ko. May talaent kasi siya sa ganitong bagay kahit madalian lang.
Paglabas namin ng kwarto ay nagulat ako sa dalawang kasambahay na naka-abang.
"Bakit hindi kayo kumatok?" Tanong ko sa kanila.
"Sorry po, young lady. Ayaw namin madistorbo yung tulog mo." Sagot nung isang babae.
"Next time, wag niyo na kong hintayin. Kaya ko naman ang sarili ko." Sabi ko sa kanila.
"Hindi po young lady. Baka papagalitan kami ni Master." Sabi nila.
Napabuntong hininga ako dahil sa kanila.
"Ako na ang kumausap kay Lolo para hindi kayo maghintay sakin na nakatayo dito sa labas ng kwarto."
Nakakonsensya kasi kapag ganun. Bumalik na din sila sa trabaho nila para sa party mamaya.
Bumaba na kami ni Jerome at nakita namin na sobrang busy ang lahat. Nagprepare na yung catering service ng mga mesa at kung ano-ano pa. May mga designers na nagde-design ng stage dito sa may garden area. Nilibot pa namin ni Jerome ang ground floor at nakita namin sina Tae, si Lolo, at si Godt na nag-uusap sa may veranda.
"Chingu, ang bongga naman ni Queenie. Lahat 'to hinanda para lang sa kanya." Bulong sakin ni Jerome.
"Hindi ko kaya 'to chingu. Nakokonsensya na talaga ako." Pag-amin ko.
"Anong gagawin mo? Tumakas ka at umuwi? Mas lalong magkagulo kapag ginawa mo yan." Sabi niya.
"Yun na nga eh. Pati passport ko pinadoktor pa ni Tae bilang Queenie. Akala ko kasi magagamit ko yung sakin. Yun palang, guilty na ako."
Napansin ako ni Lolo at kumaway siya sakin para lumapit. Napatingin sina Tae at Godt sa akin at sinalubong na ako ni Tae.
Nagbeso pa ako kay Lolo bago ko siya kinamusta.
"Nga pala Tae... napansin ko na sobrang saya mo lately." Sabi ni Lolo.
Ganun ba? Masaya ba si Tae ngayon?
"Hindi naman Lolo. Masaya lang ako dahil nakauwi kami ni Queenie at hanggang ngayon we're still strong." Sabi niya.
Napangiti naman si Lolo sa sinabi ni Tae.
"Sige nga, kiss mo nga ang apo ko if you have a strong relationship woth each other."
Shiya!!!
Talagang feeling teenager pa si Lolo at gusto pa niyang makita na naghalikan kami ni Tae. Napalunok talaga ako dahil awkward sa feeling na makita ni Godt ang halikan namin.
Ngumiti si Tae sa akin at nilapit niya yung mukha niya sakin.
Bahala na... para sa ekonomiya ito! Charoot!
At ayon, nagdampi ang mga labi namin at ngiting tagumpay naman si Lolo. Ngumiti na lang ako para hindi mahalata. Napatingin ako kay Godt at mukhang naiinis siya sa ginawa namin.
Affected pa rin si Godt kay Queenie tapos may gana ka pang hanapin ako ha!
Nag-usap na sila tungkol sa mga business ng pamilya namin and I excused myself dahil wala akong alam sa ganyan. Hinila ko na rin si Jerome.
BINABASA MO ANG
My Fair Prince
FanfictionStorya ito ng isang teenage boy (Bas) na napilitan magpanggap na babae dahil sa isang rason na kailangan ng taga-pagmana ang pamilyang Panitchayasawad, na isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa bansa. Sa kanyang pagpapanggap ay makilala niya ang is...