67. Apprehends

1.7K 85 32
                                    

~~ One Week Later ~~

Palagi ko kasama si Bas araw-araw dahil sa trabaho namin. Isang malaking check sa goal list ko ang ganap na ito kahit paminsan-minsan ay sumasama sa amin si Frank. Nadadala din ako sa trabaho kaya nakalimutan ko din ang landiin si Bas. Naging okay naman kami ni Bas dahil hiniwalay namin yung personal matters sa trabaho pero minsan, hindi ko magawa magpigil na landiin ang baby ko.

Naghihintay ako ngayon kay Bas sa Starbucks Coffee at binilhan ko na siya ng paborito niyang inumin, Caramel Frappuccino. Ginawa ko ng venti para makuntento na din ang baby ko.

Habang hinihintay ko si Bas ay nagtext ako sa secretary ko na hindi ako makapasok ng office ngayon. Nakalimutan ko kasi ipaalam sa kanya dahil biglaan din tumawag kagabi yung supplier ng glass windows. Medyo may kalayuan din yun dahil nasa labas pa ito ng city.

Thirty minutes passed, dumating na din ang baby ko. Himala at hindi niya kasama si Frank ngayon pero natulala ako sa kagandahan ngayon ng baby ko. Yung simpleng white t-shirt at jeans lang ang suot niya ay para ng anghel tingnan. Kumikinang talaga sa paningin ko ang mukha niya lalo na't ngumiti siya sa akin nung nakita niya ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nung nasilayan ko yung matamis niyang ngiti.

"Good morning. Ready ka na ba?" Bati niya sakin.

Napakurap pa ako ng mata dahil natulala ako sa kagandahan niya.

"Yes... I'm ready."

Yes, kanina pa ako ready na ready na makasama ka at kakampi ko pa rin ang tadhana dahil mag-isa lang siya ngayon.

"May dala kang kotse?" Tanong niya.

"Oo. Ako na magdrive. Alam ko naman kung san yung supplier." Sagot ko.

"Okay." Tipid na sagot niya.

Binigay ko na din yung drink niya at sumaya siya nung nakita niya ito. Inabot naman niya at ininum niya agad.

"Thank you, Godt."

Napangiti pa siya sakin at mas lalo ako nahulog sa kanya. Noon pa man ay nahulog na ako sa kagandahan niya.

Umalis na din kami ng Starbucks Coffee at pumunta na sa basement parking.

Nakaupo siya sa shotgun seat habang ako ay nagda-drive. Ngayon ko lang napansin na may dala pala siyang bagpack dahil kinuha niya yung mga papers at binasa niya ito habang nasa biyahe kami.

"Wag kang magbasa habang nasa biyahe tayo." Saway ko sa kanya.

"Bakit?"

"Baka masira ang mata mo at mahilo ka pa." Sagot ko.

"Sanay naman ako..."

"No!!" Napalakas yung boses ko para may superiority man lang. "Sumunod ka sa akin. Tigilan mo yang pagbabasa mo at magpahinga ka na lang muna."

Narinig ko na napabuntong hininga pa siya bago niya binalik yung mga papel sa bag niya. Nilagay na din niya yung bag sa likod at nag-slouch na siya. Binuksan na din niya yung stereo ng kotse ko at nagpatugtog nalang siya. Mga Pop Music ang pinakinggan niya ngayon. Ini-enjoy na lang niya yung music kasi wala na siya ibang magawa.

Wala din naman ako maisip na topic para pag-usapan namin.

Nagdrive na lang ako at hindi ko na siya dinistorbo sa trip niya. Ayoko din isipin niya na umi-epal ako sa trip niya. Patuloy siya sa pakikinig ng music hanggang sa nakatulog na siya.

Napangiti na lang ako dahil parang baby si Bas habang nakatulog. Napahinto pa ako saglit para titigan siya at haplosin yung mukha niya.

Sobrang kinis at malambot pa... pati yung labi niya na parang tinutukso ako na halikan ko kaya hindi ko napigilan at hinalikan ko siya habang tulog siya.

My Fair PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon