Bank's POV
Naiinis ako na ang taong mahal ko ay ang Mommy ko. Noong bata pa ako ay si Mommy na ang gusto ko hanggang ngayon na malaki ako kaso si Daddy pa talaga ang naging asawa niya.
Galit na galit ako nung ikasal si Mommy kay Daddy dahil ayoko na ikasal sila. Kung pwede lang na lumaki agad ako na kasing edad ni Mom ay matagal ko na siya inagaw kay Dad.
Si Mommy kasi ang palaging nakakaunawa sakin at tinanggap niya ko kahit hindi niya ko anak... hindi katulad na Dad na ramdam ko yung pagkamuhi niya sakin dahil baliw at kriminal ang tunay kong Mommy.
Yes, sinabi na ni Mommy Wayo sakin kung sino ang tunay kong ina at hindi ito alam ni Dad dahil nakiusap ako kay Mom na wag na lang ipaalam kay Dad. Ayoko din mangi-alam si Dad sa buhay ko gaya noon na wala lang siya paki na binilin lang ako kay Uncle Drake. Mabuti pa nga si Uncle Drake, minahal niya ko. Pero, nung bata ako hindi pa ako galit ni Dad at umaasa ako na magustuhan niya ko ulit kaso nagbago ang lahat nung nakilala ko si Mommy Wayo.
Four years ko hindi siya nakikita dahil nasa Singapore siya noon nag-aaral. Sa kwento lang ni Dad, Uncle Drake, at Tita Queenie naririnig si Mommy Wayo. Excited nga ako noon nung bumalik na sila. Nahiya pa ko nung una baka hindi din niya ko gusto pero iba ang pinakita niya sakin. Kahit hindi niya ko nakitang lumaki ay tinanggap talaga ako ni Mommy Wayo ng walang alinlangan.
Naiinis ako ng makita ko si Mommy Wayo na kasama ulit si Dad at nasa veranda sila. Tea-time moment na naman sila kaya lumapit na ako para batiin ko si Mom.
"Mom." Bati ko Mommy at humalik pa ako sa lips niya.
Gusto ko talaga yung lips ni Mommy... malambot at sarap kagatin.
"Bank, di ba sabi ko hindi na pwede magkiss sa lips ko dahil binata ka na." Sita niya sakin.
"I don't care Mom. I just want to kiss you and that's it." Sabi ko.
Wala akong pakialam kung makita man ni Dad yun and besides, I'm still their children at may karapatan pa rin ako na halikan si Mommy.
"Bank, makinig ka sa Mommy mo kung ayaw mong pagalitan kita ha."
Ramdam ko yung inis ni Dad kaya napangisi ako. Gusto ko siya mainis at magalit.
"Whatever Dad." Sabi ko at sabay alis.
Kakauwi ko lang kasi galing school at nauna ako sa mga kapatid ko dahil sila yung sweepers. Pero, bago ako pumasok ng bahay ay huminto ako.
"Oh yeah Mom... I forgot to tell you."
"Ano yun Bank?" Tanong niya.
"I always love you until now."
And I meant it. Mahal na mahal ko talaga si Mommy Wayo at pinangarap ko na ako ang maging asawa niya. Hindi ko talaga maiwasan na mahalin ko ang Mommy ko at saka, hindi naman kami magkadugo. Konektado lang kami dahil kasal sila ni Dad. Kung hindi man lang sila kinasal ay nililigawan ko na si Mommy.
Nasa kwarto ako ngayon at naligo. Nagbihis na rin ako pagkatapos at nagrelax dahil long break na namin. Susulitin ko talaga ang break na 'to na makasama si Mom araw-araw.
Kinabukasan ay nagshopping kami at nagpabili na naman si Kuya Cerdic ng suit and tie. Parang tanga 'tong kuya ko, hindi na naman niya masusuot yan sa school. Si Theo naman ay nagpabili ng bagong phone, iPhone XS Max pa ang pinabili at si Dad pa ang nagbayad.
BINABASA MO ANG
My Fair Prince
FanfictionStorya ito ng isang teenage boy (Bas) na napilitan magpanggap na babae dahil sa isang rason na kailangan ng taga-pagmana ang pamilyang Panitchayasawad, na isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa bansa. Sa kanyang pagpapanggap ay makilala niya ang is...