16. Unpremeditated

2.7K 137 29
                                    

The taste of his lips when we kissed is like a toxic to me. Nakakamatay ang halik niya sakin dahil ayoko ihinto hanggang sa na-realize ko na, I'm not worthy for this guy.

Tinulak ko siya at napahawak ako sa mga labi ko. Nagtaka si Godt kung bakit ko siya tinulak pero hindi ko kayang sabihin yung rason.

I'm not worthy for him because I fooled him.

"I'm sorry, Bas. Hindi ko alam na magagalit ka sakin." Agad siyang nag-apologized sakin.

Wala akong nasabi kundi ang tumakbo paalis sa harap niya.

Kahit ramdam ko pa din yung tibok ng puso ko at yung mga labi niya sa labi ko, ay hindi ko pa rin matanggap na subconsciouly, I'm already falling for him. Hindi ko mapigilan ang umiyak habang tumatakbo palayo kung saan. Hindi naman niya ko hinabol at mabuti na rin yun dahil ayoko makita niya ko that I was full of guilt.

Nasa isang cottage ako naka-upo at nag-iisip sa mga nangyari. Huminto na rin ako sa pag-iyak dahil wala naman magagawa ito sa problema ko ngayon. Gusto ko sana tawagan si Tae pero hindi ko ginawa.

Gusto ko lang may makakausap ngayon hanggang sa lumitaw sa harap ko si Jerome.

"Ano na chingu? Nahuhulog ka na kay Godt?" Tanong niya sakin.

"Not likely." Sagot ko sa kanya. "Hindi ko pa alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko... baka sa ngayon lang ito."

Umupo siya sa tabi ko at sinamahan niya ko sa kadramahan ko. Niyakap pa niya ko at biglang tumawa.

"Hay naku, chingu. Wag na kasi magdeny. Akala ko be true to yourself ang motto mo?"

"Iba naman kasi ito chingu. Something that I can't explain."

Naiinis talaga ako sa kaibigan ko dahil tawa siya ng tawa sa akin. Parang may sapi lang siya.

"Wag mo na lang tapusin yung friendship niyo ni Godt." Payo niya sakin kahit alam ko naman na ganun ang gagawin ko. "Para naman kiligin ako sa love triangle niyo."

Binatukan ko siya dahil sa mga iniisip niyan glove triangle na yan. Gusto pa siguro na maging acute angle 'tong kaibigan ko kapag titirisin ko siya ng pinong pino.

"Suportahan mo naman ako, chingu!" Sabi ko.

Tumawa lang siya at tumango.

"Oo naman. Ikaw kaya ang pinakamaganda na naging kaibigan ko kaya ang tanong chingu... how to be you, po?"

Pinakita oo sa kanya yung kamao ko at tumawa lang siya. Kahit kailang ako ang napagtripan niya. Makakaganti din ako sa kanya soon.

Bumalik na kami sa mga kwarto namin at napahinto pa ako sa harap ng pinto ng kwarto ko. Naghesitate ako na pumasok hanggang sa bumukas ito.

"Bas..."

Mukhang nag-alala siya sakin dahil nakita ko sa mga mata niya.

"Hahanapin na sana kita. Mabuti nalang bumalik ka." Sabi ni Godt.

Hindi ako sumagot at pumasok lang ako ng kwarto. Dumeretso ako sa restroom at nanghilamos. Paglabas ko ay nakatayo si Godt at hinintay ako na lumabas.

"About what I did a while ago..."

"It's okay Godt. Kalimutan lang natin yun. Baka nalito lang tayo kaya nagawa natin yun." I interjected.

Alam ko na may gusto pa siyang sasabihin pero hindi niya ginawa. Maybe he realized that we just let it go. Humiga na lang ako sa kama at pinilit yung sarili ko na makatulog. Pinatay na rin niya yung ilaw at tanging ilaw sa balcony lang ang nag-illuminate sa kwartong ito.

My Fair PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon