Wala na akong balak magtrabaho kaya umuwi na lang ako ng mansion. Hinihintay ko sina Queenie at Lolo na umuwi ng bahay habang nagbabasa ako ng mga documents pero hindi ako maka-concentrate.
Naiisip ko talaga yung kasal ni Bas kanina at masakit talaga na makita yung mahal mo ay ikinasal sa iba.
Pumunta na lang ako sa bar area ng bahay at uminom ako ng wine. Gusto ko sana magpakalasing pero ayoko maulit yung nangyari kagabi na wala akong maalala.
"Bakit ka umiinom? Gusto mo bang makipagsex ulit sakin kaya ka umiinom?" Biglang nagtanong si Pring.
Hindi ko napansin na nandito pala siya.
"Iwanan mo nga ko!" Singhal ko sa kanya.
Ayoko makita yung pagmumukha niya dahil sa tuwing nakikita ko siya, mas lalo akong nagagalit kasi siya ang dahilan ng miserable kong buha. Pinili ko din naman 'to so I deserve this.
"Fine. Kung gusto mo nasa kwarto lang ako."
Anong akala niya na mauulit yung nangyari kagabi?
Naitapon ko tuloy yung baso dahil sa inis at galit. Pero, yung sakit talaga ang umaapaw ngayon sa pagkatao ko. Yung feeling na gusto kong agawin si Bas kay Frank para lang mawala itong sakit. Si Bas lang ang nagpapasaya ng buhay ko pero sa mismong sakripisyo ko ay natapos lahat sa wala.
Mga ilang oras din ako naghintay nina Queenie at napa-upo na ako sa living room hanggang dumating sila.
"Godt, hindi ka pumasok?" Tanong sakin ni Queenie nung dumating sila ni Lolo.
"Mauna muna ako mga apo. Pagod na ako." Paalam ni Lolo.
"Okay, Lo."
Umakyat na si Lolo at hinintay ko pa na mawala siya sa paningin ko bago ko hinila si Queenie sa office ng bahay.
"Godt, ano ba problema mo?" Tanong niya sakin.
Nanunuot ako ng galit ngayon dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko kayang itago kaya gusto ko ng manumbat.
"Bakit hindi mo sinabi sakin na nagpakasal na si Bas kay Frank?"
Nanlaki ang mga mata niya nung tinanong ko siya. Umiwas siya ng tingin sa akin at parang nag-iisip pa siya ng sagot.
"Alam mong si Bas lang ang buhay ko Queenie pero bakit hindi mo siya pinigilan sa kasal nila?" Dagdag ko pa.
"Wala akong choice, Godt. Nakapagdesisyon na si Bas sa buhay niya." Sagot niya sakin.
Hindi ko na mapigilan umiyak sa harap niya.
"Akala ko tutulungan mo ko na maibalik si Bas sakin pero anong ginawa mo, hinayaan mo siyang mawala sakin." Nanumbat na ako.
Napatingin na rin ng deretso sakin si Queenie.
"Mas mabuti nga na nagpakasal siya kay Frank kesa sayo para mas ligtas siya sa mga pagbabanta ni Pring. I think this serves to be the exact way to get Bas out of our troubles." Sabi niya.
"No!!! Hanggat mahal ko siya hindi siya magiging ligtas kay Pring." Sagot ko.
"So, kalimutan mo ang kapatid ko. Alam ko kung paano mag-isip si Pring at hindi niya titigilan ang kapatid ko kung hindi mo siya tuluyan kakalimutan. And besides, my brother is very happy now with Frank and he really deserve it."
Hindi ko napigilan yung sarili ko kaya napasuntok ako sa office desk.
"So sinasabi mo sakin na I also deserve my life right now?" Parang pinatawa niya ko sa mga sermon niya. "Alam natin na may misyon tayo pero bakit hindi umuusog ito? Mas lalo akong na-trap sa mga plano niyo."
BINABASA MO ANG
My Fair Prince
FanfictionStorya ito ng isang teenage boy (Bas) na napilitan magpanggap na babae dahil sa isang rason na kailangan ng taga-pagmana ang pamilyang Panitchayasawad, na isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa bansa. Sa kanyang pagpapanggap ay makilala niya ang is...