63. Homebound

2.2K 75 30
                                    

Natapos na rin ang kalbaryo ko kay Kingpin. Naipasa na rin yung sinampa namin na kaso ni Sir Chai. Lahat ng mga ebidensya ay hawak na rin ng lawyer namin.

Dumalo kami sa hearing ng kaso namin laban kay Sir Chai. Hindi ko naman kayang sabihan si Tae na sa amin sa umupo dahil ama pa rin niya at nag-aalala siya sa daddy niya. Parang sobra yung ginawa ko sa kanya. Talagang sinira ko yung katinuan ng pag-iisip niya dahil tulala na lang siya nung matapos ko pinakita sa kanya yung mga ginawa niya.

Naaawa nga ako kay Tae dahil makukulong ang daddy niya at nabaliw pa ito.

Hinatulan ang daddy niya na habang buhay na pagkakulong. Tuwang tuwa naman kami sa naging desisyon ng judge maliban nalang kay Tae. Niyakap niya yung dad niya kahit tulala na ito.

Pagkatapos ng paghatol kay Sir Chai ay kinausap ko si Tae. Pilit niyang ngumiti sa harap ko kahit alam ko na nasasaktan siya sa nangyari.

"I'm happy for you Wayo na nakamit niyo ang hustisya." Sabi ni Tae.

"Tae, alam ko mahirap para sayo pero na dito ako at ang pamilya ko. Don't think na iniisip namin na katulad ka ng daddy mo but we're not."

Niyakap na lang niya ko at siya pa yung nagsorry sa lahat ng ginawa ng daddy niya sa pamilya ko. Siguro nga ito na yung paraan niya na maibsan ng konti yung lungkot at sakit na nararamdaman niya.

"Wayo, aalis na ako sa kumpanya niyo."

"What?" Nagulat ako sa desisyon niya. "Wag ka munang padalos-dalos sa desisyon mo. Hindi naman namin kinuha yung karapatan mo sa kumpanya."

Umiling siya sakin. "Wala akong mukhang ihaharap sayo at sa pamilya mo dahil sa nagawa ni dad. Sana, maintindihan mo. Kailangan ko na din umalis at mamuhay ng simple kahit mag-isa."

Ramdam ko yung lungkot sa boses niya. Halatang nagpapaalam na siya sa akin.

"Tae, hindi kita sinisisi sa nagawa ng daddy mo. Gusto ko lang na sana, balang araw, ay sasaya ka rin sa buhay mo."

"I will, Wayo. Thank you at naintindihan mo ko."

Kailangan din niya ng space from us baka habang buhay na lang siya mamuhay sa hiya at pagsisisi.

"Is this goodbye?" I asked.

Tumango siya sa akin at hinalikan niya ko sa pisngi.

"Yes, Wayo. I wish you'll have a happy life after this." Sagot niya.

Ngumiti na lang ako sa kanya at naglakad na siya paalis. Tiningnan ko pa siya habang naglalakad sa lobby hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Hindi na rin siya lumingon sa akin at tuluyan na din siya namaalam.

~~.~~

"Husbey..."

"Yes, wifey?"

"Gusto kong bumalik ng Pilipinas. Na-miss ko na yung Mama at Papa ko. Hindi ko na rin sila nakita." Sagot ko habang nagtatrabaho ang asawa ko dito sa office.

Napatingin siya sa akin at ngumiti. Bigla siya may pinakita sa akin na envelope. Lumapit ako at binuksan ko yung envelope.

Nagulat ako dahil may plane tickets na kami papunta ng Pilipinas at bukas na din ang flight namin. Sobrang saya ko na makita ang tickets.

"Kailan ka pa nagpabook?" Tanong ko.

"Kaninang umaga lang nung nasa hearing ka ni Kingpin." Sagot ni husbey.

Napayakap ako ng mahigpit at hinalikan ko pa siya. Napangiti naman ang asawa kong gwapo at kumandong na ako sa kanya.

"Wifey, nasa office tayo."

My Fair PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon