73. Condemn

1.8K 80 73
                                    

Nagkagulo ang mga media pati na rin yung mga bisita ni Kimmon matapos niyang sabihin na ako ang fiance niya. Hindi ko alam kung may isip pa 'tong si Kimmon o sadyang baliw na talaga.

Binatuhan na ako ng mga sari-saring tanong na hindi ko na alam kung paano sasagutin. Parang sasabog na yung utak ko. Bakit pa kasi may media sa party niya?

Hinawakan ako ng mabuti ng asawa ko na parang niyakap na, baka kasi ano pa magawa ng mga media. Lumapit na din yung mga crowd control team para ilayo yung media sa amin pero mapilit pa din sila sa mga tanong nila. Halos mga tanong nila ay tungkol sa pagtataksil ko o sa mysteryo kung paano ako naging fiance ni Kimmon na may asawa na ako ngayon.

Hinila ni Dad si Kimmon at sumunod kami. Inutusan ni Dad yung staff ng hotel na bigyan kami ng kwarto para makapag-usap at sinunod naman. Pumasok kami sa suite room.

"Anong ginawa mo Kimmon?" Tanong ni Dad sa kanya at mukhang galit na din si Dad.

"I just tell them the truth."

"Matagal na yun Kimmon at hindi na pwede kayo ni Wayo."

"No!" Napasigaw siya kay Dad. "Tinago mo siya sa akin at pinalabas niyo na patay na kayo at si Queenie lang ang nabuhay. Di ba, unfair naman kung ganun kaya I'm making things right."

Susugurin sana ni husbey si Kimmon pero pinigilan ko siya. Masyado ng mainit ang usapan nito kaya naki-usap na ako na umuwi.

"You can't walk away from me, Wayo." Sabi ni Kimmon.

Napalingon ako sa kanya at pinakita ko yung galit na mukha ko. Kahit galit ako sa kanya ay wala na din akong gana makipagtalo.

"Magiging curious na ang mga tao sa sinabi ko kaya panindigan niyo ito. Si Wayo ay akin at dapat ako ang asawa niya."

Hindi ako nakapagpigil at sinampal ko siya ng malakas sa harap ni Dad at ni husbey.

"Gumising ka Kimmon. Wag ka magpakalunod sa mga pantasya mo. Kasal na ako kay Frank kaya kung hindi mo matanggap ay wala na akong paki-alam. Let me repeat, my husband is Frank Thanatsaran!"

Hinila ko na ang asawa ko palabas ng kwarto pero napigilan ako ni Kimmon dahil hinila niya ang kamay ko.

"You can't run away from me Wayo. Magiging kumplikado na ang buhay mo simula ngayong gabi. If I were you, sumama ka sa akin at panindigan natin yung sinabi ko kanina." Sabi pa ni Kimmon.

"Do you think that I'm stupid?" Tinanong ko na siya. Hindi niya ko mauuto. "Pinakita ko lang na nagtataksil ako sa asawa ko kung sasama ako kaya ipagpatuloy mo yang mga pantasya mo o kaya wag ka nalang bumalik sa realidad."

"Bitawan mo ang asawa ko, Kimmon, kung ayaw mo saktan kita." Nagbanta na ang asawa ko.

Sumunod naman si Kimmon sa sinabi ni husbey pero ngumisi at tumawa siya bago kami lumabas.

"Sa tingin niyo malulusutan niyo ang problemang ito? This issue will give an impact to both of your companies."

Na-realized ko din yun nung sinabi ni Kimmon ang magiging outcome ng issue na 'to. Hindi ito magugustuhan ng mga board members at gagawa na naman yun ng mga paraan. But, I won't let them rule over me.

Hindi na namin pinansin si Kimmon at umalis na kami ng kwarto. Nakasalubong pa namin si Godt at mukhang nag-aalala siya sa amin.

"Dumaan na kayo sa backdoor exit ng hotel. Sasamahan kayo ng staff." Sabi ni Godt samin.

"Thank you Godt." Sabi ko.

Sinamahan na kami ng staff para maka-alis ng hotel. Doon kami dumaan sa employees backdoor exit. May elevator pala sila sa tuwing may emergency kaya sumakay kami.

My Fair PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon