~~ Four Years Later ~~
Hindi ako maipaliwanag yung nararamdaman ko ngayon dahil hindi ako nakapunta sa graduation ni Wayo. Naging hectic kasi ang schedule ko dahil sa mga events at bagong hotel na pinatayo ko. Marami na rin akong naka-sched na interviews for all the success I made in my hospital and also in Thanatsaran Company.
Yes, mas lalong lumago ang kumpanya ni Frank kasabay nito din ang kumpanya ni Wayo. Honestly, yung pagpapatayo ko ng hotel under Thanatsaran Company ay mula kay Wayo lahat. Ayaw niya ipaalam sa mga board members na siya ang likod ng success ng hotel ngayon.
Balak lang talaga ni Wayo na subukan yung natutunan niya sa business shool and administration but knowing Wayo, he excel more than I expected. Mas magaling na siya kesa sakin at sa mga ibang veteran na businessman.
Yung project niya under Panitchayasawad Company ay sobrang nakakatulong sa mga rural areas. Naging convenient na rin yung mga tao doon na malayo sa magagandang hospital dito sa Bangkok. Nakipag-affiliate na rin ako kay Wayo sa mga health centers niya at balak na rin namin na magtayo doon ng hospital na ma-afford ng mga tao doon.
Yung TV Network na project ni Kimmon, si Wayo din ang likod ng success doon. Two years ago ko pa nalaman na siya pala ang naging investor sa project na yun. Kakabukas lang nito and fully operated two months ago. Maganda naman ang feedback at ratings ng mga shows. Well, ma-impluwensya din ang pangalang Panitchayasawad.
So far, so good ang mga tagumpay ng mga projects in both companies.
Of course, yung hospital ko ay lumalago din at balak ko na din magtayo pa ng ibang hospital... but not now. Hihintayin ko pa si Wayo na makauwi at kakausapin ko siya na maging partner ko, business partner I mean.
"Excited ka na ba?" Tanong sakin ni Yihwa.
Nandito siya ngayon sa office dahil binigay niya sakin yung mga reports ng mga health centers.
"Excited saan?"
"Naku, maang-maangan ka pa. Of course kay Wayo! Uuwi na kaya siya next week." Sagot ni Yihwa.
Excited ako pero kailangan ko pigilan dahil may kasalanan pa ako sa kanya. Hindi kaya ako nakadali sa graduation niya.
"Ibang klase talaga si Wayo. Nakapag-tapos ng Magna Cum Laude. Akalain mo yung project niya na ininvest ko ay sobrang successful. Magaling talaga si Wayo kaya laking tiwala ko nung naki-usap ka sakin na suportahan yung project niya." Kwento ni Yihwa.
Hahahaha!
Naalala ko tuloy yun. Nung naki-usap ako na suportahan si Wayo dahil alam ko walang susuporta sa mga board members niya ay hindi na niya ko pina-discuss tungkol sa project ni Wayo. Agad siya nag-oo at pinirmahan yung kontrata.
Well, makikita mo naman na mapagkatiwalaan si Wayo kahit kanino.
Kaya nga yung mga board members niya ay hiyang hiya sa di pagsuporta sa project ni Wayo.
"Yihwa, gusto mo bang mag-invest sa bagong plano ko?" Tanong ko sa kanya.
"Plano mo? Ano yun?"
Kinuwento ko na yung plano ko tungkol sa bagong ipapatayo ko na hospital. Nag-discuss ako ng konti pero yun pala, oo din ang sagot niya.
Natawa tuloy ako.
"Godt... ikaw, si Wayo, kayo lang ang maasahan ko sa business. Masyadong marupok ang mundong ito dahil maraming manglinlang para lang sa pera. But, the two of you, both of you are selfless. You think for everyone who can benefit hindi lang sa mga katulad natin but also sa ibang tao din." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
My Fair Prince
FanfictionStorya ito ng isang teenage boy (Bas) na napilitan magpanggap na babae dahil sa isang rason na kailangan ng taga-pagmana ang pamilyang Panitchayasawad, na isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa bansa. Sa kanyang pagpapanggap ay makilala niya ang is...