66. Ex and Husband

2.1K 83 34
                                    

Tinulak ako ni Bas nung narinig niya ang pangalan niya. Napatingin ako sa taong tumawag sa baby ko... si Frank.

Galit na galit ang mukha ni Frank habang papalapit siya sa amin. Alam ko susuntukin niya ko kaya hinanda ko na yung sarili ko. Lalabanan ko siya ng harapan dahil seryoso ako na makuha ulit ang baby ko.

"Gago ka, Godt!" Sigaw niya.

Sumuntok siya pero umilag ako. Ayoko rin makipag-away sa kanya baka isipin ni Bas na ganun na ako kasama. Pinigilan siya ni baby pero malakas si Frank kaya bumato siya ng suntok sa akin at natamaan na ako. Masakit siya pero nagpigil ako na hindi gumanti.

"Layuan mo ang asawa ko!" Sigaw niya.

Napangisi nalang ako sa sinabi niya.

"Layuan? Nagpapatawa ka ba Frank?" Napa-smirk pa ako.

Alam ko iniisip na ni Frank na may namamagitan sa amin ni Bas. Yan din ang gusto ko para unti-unting masira yung relasyon nila.

"Ano tingin mo sakin, tanga? Alam ko na gusto mo pa rin ang asawa ko!"

"Ano naman kung gusto ko pa si Bas? Hindi mo ikakaila na naging kami dati at hanggang ngayon, mahal ko pa rin ang asawa mo."

Susuntukin na sana niya ko pero pumagitna na si Bas sa amin.

"Tama na, husbey. Umalis na tayo please." Nagmamakaawa na si Bas ngayon.

Tinititigan ako ni Frank ng masama at hinila na siya ni Bas. Nangangamoy away na ito kaya ready for second phase.

Galit ngayon si Bas sa akin kaya mag la-laylow ako sa pagiging posessive ko sa kanya. Kailangan mag-retreat ng konti but not totally. Sinundan ko sila papunta sa kwarto nila at gusto ko sana makinig sa away nila pero wala. Ni-isang sigaw mula sa kanila ay wala akong narinig kaya bumalik na ako sa kwarto.

Tulog pa rin si Drake at habang tinitingnan ko si Drake ay nakaisip ako ng paraan kung paano i-lure si Bas ulit.

Nung nagising si Drake ay tinanong niya ko kung anong oras niya. Sinabi ko na oras ng kumain kaya siningit ko na rin sa kanya na yayain si Bas na makipag-breakfast. Masaya naman si Drake sa naisip ko kaya agad siya nagsend ng message sa Line.

"Kuya, okay daw sabi ni Kuya Wayo."

Napangisi ako dahil bibigay talaga si Bas kay Drake. Kapatid kasi turing niya kay Drake.

Naligo muna kami ni Drake bago kami bumaba papunta sa restaurant. Masaya pa nagsend ng message si Drake at pinaalam kay Bas na nandito na siya sa restaurant.

Nag-order na din ako ng maraming pagkain para sa amin dahil alam ko malakas kumain ang baby ko.

"Sigurado ka ba Kuya na ganito kadami ang mauubos ni Kuya Wayo?" Tanong ni Drake.

"Oo... kaya niya 'to ubusin basta masarap ang pagkain." Sagot ko.

Ngising ngisi ako dahil naalala ko tuloy yung katakawan ng baby ko.

Mga ilang minuto ay dumating na din si Bas at Frank. Magkahawak pa sila ng kamay at mukhang nagka-ayos na sila dahil nakangiti ngayon si Bas. Mukhang nalusutan na naman ng baby ko ang isyu kanina.

Lumapit na din sila at umupo kasama sa table namin.

"Good morning, Kuya Wayo... Kuya Frank." Bati ni Drake sa kanila.

"Good morning." Sabay pa sila bumati kay Drake.

Hindi ako tiningnan ng baby ko kaya...

"Inorder ko lahat 'to para sayo, Bas." Sabi ko.

My Fair PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon