40. Shattered Pieces

2.2K 107 63
                                    

Bas' POV

Mga ilang araw na rin ang nakalipas at hindi pa sumunod sakin ang boyfriend ko. Hindi ko rin siya makausap sa Line app pati na rin si Queenie. Nagtataka na tuloy ako na baka pumayag si Godt na magpakasal sa bruhang Pring na yun.

"Bas, kain na tayo." Sabi ni Kuya Tod nung kumatok siya sa pintuan ng kwarto ko.

"Okay, Kuya. Susunod ako."

Nag send pa ako ng message kay Godt bago ako bumaba. Hindi kasi ako mapalagay dahil hindi na niya ko kinontak. Mabuti nalang at hindi ako na-bored dito sa bahay dahil palagi ako pinupuntahan ni Jerome.

Kumain na kami ni Kuya ng dinner at si Mama naman ay pinapakain pa si Papa.

"Papasok ka na ba next semester?" Tinanong ako ni kuya Tod.

"Oo, kuya. Sayang din naman kung hindi ko ipagpatuloy ang pag-aaral ko." Sagot ko.

"Good. Ako na magbabayad ng tuition mo."

"No, kuya. Si Queenie na magbabayad ng tuition ko. I-save mo na lang yan para sa pag-aaral mo din."

"Okay.. sabay na tayo mag-enroll kung san school ka papasok."

Tumango ako sa kanya. Nagstop din kasi siya nung lumipat kami ng bahay dahil sakin. Nakonsensya din ako dahil dun.

Pagkatapos namin kumain ay umalis na si kuya Tod sa part-tine job niya. Tinulungan ko na lang si Mama na alagaan si Papa kasi pakiramdam ko wala akong silbi sa pamilyang ito at ako pa yung nagpapahirap sa sitwasyon nila.

Na-miss ko na rin sila Lolo at Queenie... of course, yung boyfriend ko din na sadist.

Sinubukan kong tumawag ulit pero hindi sila sumasagot.

Days, weeks, na yun lumipas ay ganun pa din. Hindi nila ako sinasagot. Pati si Drake kinontak ko na din pero hindi pa rin.

Naisipan ko na i-kontak si Tae na baka alam niya kung bakit hindi sumasagot yung pamilya ko.

"Bas, sorry... busy ako sa kumpanya namin. Na-miss mo ba ako?" Tanong niya nung nagchat ako sa Facebook.

"Okay lang. Gusto ko lang sana mangamusta kung kamusta na sina Queenie?"

"Bakit nanganusta ka sa kanila? Hindi mo naman sila pamilya."

Hala! Nakalimutan ko na di pala niya alam na ako si Wayo Panitchayasawad.

"Wala lang. Yung totoo, si Godt sana ang itatanong ko kung kamusta na siya."

"Ha? Akala ko break na kayo?"

Break? Anong pinagsasabi ni Tae na break na kami ni Godt? Baka ito ang paraan niya na paghiwalayin kami ni Godt dahil baliw pa rin siya sakin.

"No... hindi kami nagbreak."

"So, bakit siya magpapakasal kay Pring kung hindi kayo nagbreak?"

Natulala ako sa nabasa ko mula kay Tae. Totoo nga ang hinala ko na magpapakasal na siya kay Pring kaya pala hindi siya sumunod dito.

"Sabi ko nga sayo na ako na lang ang mahalin mo. Pupuntahan kita diyan. Hintayin mo ko."

Hindi na ako nakarely sa message niya dahil sakit ang nararamdaman ko ngayon. Niloko lang ako ni Godt. Lahat ng sinabi niya ay kasinungalingan lang pala. Akala ko ako lang ang nag-iisa sa buhay niya pero kay Pring pala siya magpakasal.

Para akong zombie ngayon na dahil nawala yung kaluluwa ko sa katawan ko. Hindi ko pa rin matanggap yung nabalitaan ko kaya naisipan ko bumalik ng Bangkok para alamin lahat mula kay Godt kung bakit niya ginawa sakin 'to.

My Fair PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon