37. The Player

2.4K 109 108
                                    

Bas' POV

Napaaway talaga ako kanina kay Pring lalo na't binastos niya kami sa pamamahay namin. Nung nalaman ko yung pagpapakasal nila sa boyfriend ko ay sobrang galit ako pero pinipigilan ko dahil may pinag-aralan naman ako kaso di ko inaasahan na sa habang sumagot ako sa kanya ay nagalit siya. Hanggang ngayon naramdaman ko pa rin yung sakit sa ulo ko.

Tinanong ko naman si Godt tungkol dun and he assured me na hindi mangyayari yun. Mabuti naman kung ganun kung hindi, sasakalin ko talaga ang boyfriend ko. Hehehehe!

"Baby, umorder ka na." Sabi ng boyfriend ko.

Nandito kami sa isang Japanese restaurant naglunch. Namasyal kasi kami kanina nung umalis kami ng mansion at ayon nagutom ako.

Umorder na rin ako. Habang hinihintay namin yung order ay nagbook na ng plane tickets ang boufriend ko para bukas. Nakipag-chat ako kay Jerome ngayon.

"Chingu... ano na? Alam na ng Lolo mo?"

"Oo, chingu at napaiyak pa si Lolo."

"That's good. 😁😁"
"Nagkita ba kayo ni Tae diyan?"

"Oo... napasubo na nga ako dahil magpapakamatay siya dahil lang sakin."

"Nababaliw na talaga si Tae sayo."
"Iba kasi kamandag mo besh!"

"Gaga! 😡😡😡"
"Uuwi na kami bukas. Kita tayo ha."

"Sige, marami kang ikukuwento sakin."
"Nga pala, yung Kuya Tod mo, bugnutin na sabi ni Oreo."

"Bakit?"

"Hindi ko alam. Kaw kaya 'tong kapatid niya."

"😒😒😒"

"Sige na.. aalis na ako. May klase pa ako."

Nag-logout na ang kaibigan ko at ensakto din ang pagdating ng mga inorder namin. Kumain agad ako dahil gusto ko kumain ngayon ng sushi at maki. Takam na takam ako dahil naubos ata energy ko kanina. Habang masaya kami kumain ng boyfriend ko ay may biglang lumapit sakin.

"Bas?"

Napatingin ako sa isang lalake na maputi, chinito, makapal ang kilay at yung smile niya ay sobrang sharp.

"Atty. Tee, kamusta." Bati ni Godt sa kanya.

"Mabuti naman." Sagot niya. "Lunch date?"

Hala! Hindi ba obvious? Kaloka naman 'tong abogadong ito.

"Yes. By the way, meet my boyfriend, Bas."

Ngumiti sakin si Tee and he gave out his hand for a handshake. Ginawa ko naman din.

"Bas, he's the company lawyer of Panitchayasawad, Atty. Tee Jaruji."

"Hello." Yan lang ang sinabi ko. Nahihiya kasi ako eh.

"Kamukha talaga kayo ni Queenie." Napacomment pa siya.

"Tee, gusto ko ba sumalo samin?" Tinanong siya ng boyfriend ko.

"No, thank you. May client din ako at gusto niya dito kami magkita." Sagot niya.

Habang tinitingnan ko si Tee ay may lahing Chinese ata siya. Baka chungkwayla talaga siya. Napansin niya ko na nakatitig at agad ko binaling yung tingin ko. Hindi ko na tiningnan kung ngumti ba siya sakin.

My Fair PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon