17. Way Back Home

2.8K 137 43
                                    

Maaga ako gumising ngayon para maligo at magprepare for school. Nagpaalam ako kay mama na sa school na ako magbreakfast pero ang totoo niyan ay breakfast with Godt.

Nagcommute lang ako papunta ng McDonald's at nagtext na din si Godt na nasa establishment na siya kaya nagpa-order na lang ako sa kanya.

Pagdating ko ay ngiti ni Godt ang sumalubong sakin. Hindi ko maipaliwanag kung bakit masaya ako nung nakita ko siya. Umupo ako at sinamahan ko siya na kumain.

"Anong oras ang flight mo?" Tanong ko.

"Mamayang 12 noon."

"Okay. Mag-absent na lang ako sa umaga para samahan kita."

"Are you sure?" Tanong niya.

Ngumiti ako at tumango sa kanya. Ginulo niya yung buhok ko at nagchuckle siya. Ewan ko ba kung bakit ako na-excite nung nagtext siya at feeling ko kailangan ko magmadali.

Masaya ako kumakain ng pancakes ngayon habang nakatingin ako kay Godt kahit may maraming echuserang babae nakatingin sa amin. Alam ko na gusto nila si Godt pero sorry na lang sila, he's having a breakfast date with me.

Whaaaaat?

Ano na ba ang iniisip ko and I claimed na nagdedate kami. Kaloka! Umayos ka Bas!!!

Pagkatapos namin kumain ay umalis na kami papunta ng airport. Nagkwentuhan pa kami bago nakarating ng airport.

Hindi muna siya pumasok sa may check-in area dahil 9am pa lang at may time pa siya to spend with me. Nagkape kami sa Starbucks Coffee and we exchanged numbers. He added me in Line app and he took a selfie with me and he posted it.

Gusto niya sana i-post sa Instagram at Facebook pero pinigilan ko siya dahil hindi alam ni kuya at mama na hindi ako pumasok sa umaga and he followed.

Napasarap pa yung kwentuhan namin at sinabi pa niya na siya naman yung magpapasyal sakin kung pupunta ako ng Bangkok, Thailand. Yun ay kung pupunta talaga ako.

Hindi pa kasi ako sigurado na papayagan ako ni mama at ni kuya na pumunta and I'm very sure na hindi talaga.

Napatingingin ng relo si Godt at sinabi niya na kailangan na niyang pumasok para mag check-in. Kahit sa konting oras lang ay naging masaya kami. Hinatid ko na siya sa may pintuan ng check-in area at pumila na siya kasama ang ibang mga pasahero. Kumaway na ako sa kanya at sumenyas na aalis na ako.

Habang naglalakad ako paalis ay nakaramdam ako ng lungkot. Maybe, I got used with his company.

At biglang may humawak sakin at hinarap ako sabay halik sa labi ko. Hindi ko na namalayan dahil sa bilis ng pangyayari.

"I won't say sorry today for what I did but that kiss... that kiss will convey to you on how I feel."

Napa-nganga na lang ako sa English niya at niyakap pa niya ko bago siya bumalik sa pila.

Natulala ako dahil sa ginawa niya at hindi ko namalayan na tumulo yung luha ko. Parang gusto ko na dumito na lang siya pero nakita ko na siya na pumasok na sa check-in area.

Umaapaw na naman yung guilt ko para sa kanya. Hindi ko kayang manloko lalo na't may nararamdaman ako para sa kanya. I really want to end this Queenie plan kaya tinawagan ko si Tae.

"Kailangan natin mag-usap." Sabi ko nung sinagot niya ang tawag ko.

"Tungkol saan?"

"I want to talk it personally kaya hintayin mo ko sa may gym."

Binaba ko na yung tawag at nagbook na ako ng Grab Car. Sumakay agad ako at sinabihan ko yung driver na iwasan yung traffic para makarating agad ako.

My Fair PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon