6. Respite

3.2K 163 19
                                    

Bas' POV

Araw-araw ako nasa condo ni Tae para sa training na binigay niya sakin. Yung paglakad ng maayos, ang kumain with etiquette, yung pananamit, yung pag-upo at iba pa. Kulang na nga lang ituro na din niya kung paano ako maligo.

Halos gabi-gabi ay pagod ako dahil naging intense yung training. Mabuti nalang hindi naapektuhan yung pag-aaral ko. Ginamit ko yung breaktime sa training na mag-aral kahit 30 minutes lang.

Isang linggo na yung nakalipas at mukhang nakuha ko na yung paglakad like a princess. Feeling ko ako yung bida sa Princess Diaries. Hahaha!

Kaya ko na maglakad with high heels pero may times na medyo ma-out of balance ako.

Ngayon, hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Tae dahil sumama lang ako sa kanya pagkatapos ng klase. Hindi rin siya sumagot kapag tinanong ko siya. Hinintay ko na lang kung saan kami hihinto.

Halos mag-isang oras na kami dito sa daan dahil sa sobrang traffic. Mabuti naman ay nakarating na kami sa isang building na maraming establishments. Hindi ko alam kung saan talaga kami pupunta kaya sumunod lang ako sa boss ko hanggang sa pumasok kami sa isang clinic.

"Good morning, Sir. Any reservations po?" Tanong ng receptionist.

"Yes... under the name of Tae Darvid."

Agad naman kami inintertain ng mga staff.

"Sir Darvid, wait muna kayo sa sofa. May pasyente pa si doc." Sabi ng receptionist.

Tumango lang si Tae at may nag-guide na din sa amin papasok. Nakaupo ako sa tabi ni Tae at bumulong ako sa kanya.

"Hindi ko na kailangan ng facial, Tae." Bulong ko sa kanya.

Hindi niya ko pinansin at patuloy siya sa pagbasa ng magazines. Medyo nainip na din ako dahil kanina pa ako nadeadma.

Naghintay pa kami ng 20minutes dahil inorasan ko bago lumapit yung doktor sa amin.

"Hello, Mr. Darvid." Bati ng doktor kay Tae.

Nagshake hands silang dalawa .

"Good morning." Bati ni Tae.

"Sorry kung natagalan ako. May pasyente ako na nagpalaser."

"It's okay doc. Hindi naman kami nagmamadali." Sabi ni Tae.

"By the way, ready ka na for liposuction?"

What?!!! Ngayon ang schedule ko na magpa-liposuction? Hindi ako ready! Na-Shakira na naman ako.

Tumawa pa si Tae bago niya sinagot yung tanong ng doktor.

"I'm sorry doc pero hindi ako yung pasyente mo."

Nagtaka yung doktor. Nag-step forward na ako, yunuko, at tinaas ko yung kanang kamay ko. Nakakahiya ito!

"Ahhh!! Girlfriend mo pala Mr. Darvid. Nagmukha ka tuloy tomboy sa get-up mo Miss." sabi ng doktor.

Nagchuckle pa si Tae sa gilid ko at mas lalo ako yumuko dahil nahiya ako... tinawag niya kong tomboy!

"Halika na Miss para maging sexy ka na pagkatapos." Sabi ng doktor.

Habang sumunod na ako ay nagmouth pa ako kay Tae.

"Lagot ka sa akin mamaya!"

~~.~~

Hindi ko alam kung ilang oras ako nandito sa loob. Pero hindi talaga ako kumportable dahil nakahubad ako ngayon.

Of course, nagulat yung doktor nung nakita niya ko na may banana ako. Sorry siya ng sorry sa akin bago niya sinimulan yung liposuction. Napagkamalan kaya niya ko na tomboy.

My Fair PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon