82. One Step to my Dream

1.8K 86 86
                                    

"He's now one of the board members and also my right hand for my project."

Si Bas ang sumagot imbis na si Copter. Nakangisi lang si Copter sakin na parang nang-iinis. Alam ko may binabalak siya kung bakit siya pumasok sa kumpanya ni Wayo.

"Mag-usap tayo!" Sabi ko in a commanding tone na kailangan niyang gawin.

Naglakad ako papunta sa kwarto ko habang nakasunod siya sakin. Nung nakapasok kami sa kwarto ay ni-lock ko ang pinto at kinuwelyuhan ko agad si Copter.

"Wooh! Chill!" Sabi ni Copter.

"Chill? Alam ko may pinaplano ka!"

Natawa si Copter sa sinabi ko. Talagang iniinis niya ko ng husto lalo na't alam niya na gustong gusto ko si Wayo.

"Ganyan mo ba tratuhin ang ex-boyfriend mo?" Tanong niya sakin.

"Ex-boyfriend? Ni hindi nga naging tayo!" Sagot ko.

Tumawa ulit siya and he mocked me with his grin.

"Sa bagay, panakip butas lang ako sa nakaraan mo. Ginamit mo lang ako, pamparaos, o kung kailangan mo lang ng kasama."

Bakit ba kailangan pa niya ipaalam sa akin yung nakaraan? Oo, ganun lang ang turing ko sa kanya dati dahil sa inakala ko na wala na si Wayo. Naghahanap ako ng kapalit pero palaging si Wayo ang naiisip ko kahit baby picture ko lang nakita siya. Iniisip o inimagine ko si Wayo sa isip ko kung anong hitsura niya paglaki pero hindi ko akalain na mas maganda pa siya sa naisip ko.

"Layuan mo si Wayo! Warning ko yan sayo." Binantaan ko si Copter.

"Nakakatawa ka talaga. Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Wayo kanina? Hindi ako basta basta aalis sa kumpanya niya."

Susuntukin ko sana siya pero hinamon niya ko na sasabihin niya kay Wayo yung nakaraan namin kaya natigilan ako. Akala ko for good na siya sa Paris pero bumalik pa talaga siya.

"Wag kang magkamali na may sabihin kay Wayo kung ayaw ko patayin kita." Sabi ko.

"I'm scared..." umakto siya na natatakot. "But I'm not. Kilalanin ko muna yung taong gusto mo saka ako mag-isip."

"I told you not to do something bad to Wayo! Talagang papatayin kita!" Banta ko sa kanya.

Inalis na niya yung kamay ko sa kuwelyo niya at nag-iba na rin siya ng expression ng mukha.

"Talaga? Wag mong gagawin yan kung ayaw mong patayin ko si Wayo? You know when I get mad so beware."

Hindi na rin siya nagbibiro ngayon at may diin na din ang pagkasabi niya. Isang pagkakamali ko lang ay may gagawin siya kay Wayo at mas lalo ako walang magawa dahil hindi ako makalabas ng bahay.

Naglakad na siya papunta ng pinto para umalis pero huminto muna siya.

"Oh, nakalimutan ko pala sabihin sayo... masarap ang mga labi ni Wayo kaya siguro obsessed ka sa kanya."

"Copter!" Napasigaw ako.

Tumawa siya nung nakita niya ko nagalit.

"Unahan na lang tayo, Kim? Dahil gusto ko rin si Wayo."

Lumabas na siya ng pinto at napasuntok ako sa pader. Galit na galit ako sa sinabi ni Copter. Ang dami na nakahalik kay Wayo at dumagdag pa siya. Dapat makaisip ako ng paraan para mapatalsik si Copter sa kumpanya ni Wayo.

Kung gusto niyang mag-unahan kami, alam ko na ako ang mananalo. Hindi ako makakapayag na may gawin siya kay Wayo at hindi ko siya sasantuhin.

Lumabas at bumaba na rin ako para makisali sa usapan nila pero may nakabantay na security sa labas ng office ni Dad. Papasaok sana ako pero pinigilan nila ako. Hindi daw ako pwede sumali dahil yun ang inutos ni Dad kaya naghintay nalang ako dito sa living room.

My Fair PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon