Iyak ako ng iyak sa nangyari kanina habang pauwi kami ni Frank. Wala na ako paki-alam kay Godt o kahit sino man. Gusto ko lang umiyak buong araw.
Niyakap na ako ni Frank dito sa loob ng kotse niya at di ko pa rin mapigilan ang mga luha. Masyadong masakit sa damdamin na ikakasal yung mahal ko tapos nakita pa niya ko na hinahalikan ng ibang lalake. Wala na, finish na!
"Tumahan ka na Bas. Ayoko makita ka na umiiyak." Sabi ni Frank.
Hindi pa rin ako tumigil sa pag-iyak.
"Akala ko okay na... pero hindi pala Frank." Sabi ko habang umiiyak ako.
"Alam ko. Pero wag mo naman isipin na wala ng nagmamahal sayo. Heto pa rin ako nagmamahal sayo." Sabi niya.
Kumalas siya sa pagyakap sakin at hinawakan yung mukha ko. Tinapat niya sa mukha niya ang mukha ko at pinunasan yung mga luha ko.
"Tama na. Nasasaktan din ako." Sabi niya.
Isang malaking tanga ako kung bakit pumunta pa ako. Sinasaktan ko lang yung sarili ko.
Nakalipas mahigit sampung minuto ay tumahan na ako. Mukhang napagod na rin ako sa kakaiyak hanggang wala na.
"Gusto ko ng umuwi, Frank."
"Sige." Tipid na sagot niya.
Pinaandar na niya yung makina ng kotse niya at umalis na kami. Habang nasa daan ay tahimik lang ako, nag-iisip naman kung ano na gagawin ko sa sarili. Nakaramdam din ako ng pagod.
"Gusto ko tawagan ko si P'Dott para maghanda ng pagkain para sayo?" Tanong sakin Frank.
"Wag na Frank... salamat."
Nakatingin ako sa labas mula sa bintana ng kotse. Naisip ko tuloy na kagaya ng kotse ay tanging alam nalang nito ay tumakbo, umatra at lumiko. Parang wala na rin akong mapupuntahan kundi kung ano ang ginagawa ng kotse. Kailangan ko na rin umatras sa pagiging tanga ko, umabante para maka move on at lumiko para makahanap ng tamang daan.
Maybe, this is the day that I will let go.
Pag-uwi namin ay nagulat si P'Dott kung bakit nakabalik agad kami. Si Frank na yung nagpaliwanag at umakyat na ako sa kwarto ko. Humiga ako at napa-isip naman kung ano na gagawin ko. Kailangan ko i-occupy yung sarili ko para makalimut.
Biglang may kumatok sa pinto at pumasok si Frank. Umupo siya sa gilid ng kama ko.
"Bas, ayoko maging kontrabida sayo but you really need to let go. Kahit gawin mo kong rebound, okay lang basta sumaya ka ulit." Sabi niya.
Ayan na naman siya sa rebound thing niya.
"Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong gagawin ko."
"Then, make me your boyfriend kahit kunwari lang. I promise, aalagaan at papasayahin kita hanggat sa makakaya ko."
Bumangon ako at napatingin sa likod ni Frank. Hindi kasi siya nakatingin sakin habang kinausap niya ko.
"Humarap ka sakin Frank."
Sinunod naman niya ko at nakita ko ang malungkot niyang mukha. Hindi ko rin napigilan na yakapin siya ng mahigpit. Hindi ko siya kaya gawing rebound dahil lang nasasaktan ako. Hinahaplos niya yung ulo ko habang niyakap ko siya.
"Wag ka ng malungkot. Nandito naman ako para sayo." Sabi niya.
Kumalas ako sa pagyakap sa kanya.
"Then, kiss me Frank."
Nagulat siya nung inutusan ko siya na halikan ako. Gusto ko lang malaman kung mawawala ba ang lahat ng sakit na nararamdaman ko kung hahalikan ako ng isang tao na mahal ako.
BINABASA MO ANG
My Fair Prince
FanfictionStorya ito ng isang teenage boy (Bas) na napilitan magpanggap na babae dahil sa isang rason na kailangan ng taga-pagmana ang pamilyang Panitchayasawad, na isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa bansa. Sa kanyang pagpapanggap ay makilala niya ang is...