~~ One Week After ~~
Naging mahirap na ang ginagawa ko araw-araw bilang ako na si Bas at ang pagpapanggap ko as Queenie. Hindi kasi ako tinantanan ni Godt dahil nagtataka siya kung bakit hindi magawa namin magawa at the same place at the same time na kasama niya pareho si Queenie at ako.
Kung pwede lang magpaclone ay matagal ko ng ginawa. Nakakapagod kaya yung palit ka ng palit ng katauhan. Yan tuloy minsan, nadadala ko yung personality ko habang nagpapanggap ako as Queenie.
Nakakalimutan ko kasi at tao lang din.
"Bas, samahan mo mag-beach."
Text sakin ni Godt.Nung isang linggo o sobra pa nga, ay nagbeach na kami kasama si chingu, yung pinsan niya, at si Tae... tapos ngayon beach na naman.
"Isama natin si Queenie."
Nagtext pa siya.Napa-facepalm nalang ako kay Godt at ginawa pa niyang isang challenge 'to sakin. Ayoko din mabuko kaya I should give up the other one.
"Itanong mo kay Tae kung makakasama ba si Queenie."
"Sige."
Tinawagan ko kaagad si Tae para ipaalam yung balak ni Godt at alam ko na sesermonan niya ko dahil for emergency calls lang ako tatawag sa kanya.
"Tae, nagyaya si Godt na mag beach at gusto niya kasama ako at si Queenie."
"Don't worry, sasabihin ko na lang sa kanya na may lakad kami." Sabi niya.
"Are you sure?"
"Sure... pero hindi na kita masasamahan para hindi magtaka si Godt. Kung sakaling sasama ako mapa-isip yun na iniwan ko lang si Queenie." He clarified.
"Okay sige. Ako na lang bahala sa kanya."
"Isama mo na din si Jerome para may kasama ka din."
Binaba ko na din yung tawag at nagpaalam ako kay mama habang naluluto siya. Pinayagan naman niya ako at gusto din niya na magrelax ako. Naging okay naman din ang kalagayan ni papa sabi ng doctor. Continue medications lang talaga.
Mabuti nalang wala si kuya Tod. May retreat daw ksi sila kaya hindi na ako nagpaalam. Malamang walang signal doon.
"Chingu, samahan mo ko please." Sabi ko nung sinagot ang tawag ko.
"Saan naman?"
"Sa beach."
"Sa beach na naman!"
Wow! Violent reaction talaga chingu? Nabingi ako sa sigaw niya.
"Oo... nagyaya kasi si Godt na mag-beach at pumayag ako."
"Okay chingu... I'm on my way."
Hala!! Kung totoo lang yung movie na Jumper ay malamang nandito na si Jerome... ang bilis magpalit ng desisyon.
Nagprepara ako ng mga damit at gamit dahil gusto ko talaga ang lumangoy. Mga ilang minuto ay dumating na din sa bahay si Jerome at sinalubong siya ni mama habang ako ay kumain ng breakfast.
"Tita, good morning." Bati niya.
"Jerome... mabuti nalang kasama ka magbeach. Alam mo naman na kung saan napupunta ang utak ng anak ko kapag mag-beach." Sabi ni mama.
"Ma!!!"
Tumawa siya pati na rin si Jerome.
"Don't worry Tita, babantayan ko ang mga mata ng kaibigan ko baka kung saan nakatingin."
BINABASA MO ANG
My Fair Prince
FanficStorya ito ng isang teenage boy (Bas) na napilitan magpanggap na babae dahil sa isang rason na kailangan ng taga-pagmana ang pamilyang Panitchayasawad, na isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa bansa. Sa kanyang pagpapanggap ay makilala niya ang is...