Galit na galit si Wayo nung nakita niya ang anak na si Theo na kilala ang kumag na 'to na si Kimmon. Sumunod naman si Theo sa sinabi ni Wayo at lumapit siya kay Kimmon.
"Ipaliwanag mo sa akin kung bakit ka kilala ng anak ko?" Tanong ni Wayo kay Kimmon.
Ngumisi pa din si Kimmon at gustong gusto ko na siyang suntukin. Hindi ko alam kung nag-mock siya o ganyan siya kapag masaya. Tumingin siya sakin at sabi...
"Pwede umalis ka muna? Usap mag-asawa lang kami."
"No! Dito lang si Godt at gusto ko marinig niya lahat ng sasabihin mo." Agad nag-disagree si Wayo sa gusto ni Kimmon.
Mabuti nalang ay na-unang nagsalita si Wayo kesa sakin kung hindi, aawayin ko talaga siya.
Hindi na rin nagpumilit si Kimmon dahil mismo si Wayo na ang may gusto. Alam ko na susunod siya sa gusto ni Wayo dahil baliw na baliw siya kay Wayo. Kaso, iba pa rin ang tingin niya sakin na parang gusto niya kong patayin.
"I'm sorry kung hindi ako nagpakita sayo sa Singapore at si Theo lang ang nakausap ko nung naglaro sila sa may park." Sabi ni Kimmon.
"Really? O sadyang gusto mo lang kunin ang loob ng anak ko para may alas ka sakin."
Ouch! Parang natamaan ako sa sinabi ni Wayo. Totoo kasi na alas ko si Theo dahil nga sa gusto ako ng bata kaya I took that chance upang mapalapit kay Wayo.
"No, it's not like that Wayo. Gusto ko talaga magpakita sayo kaso ayoko guluhin ang pag-aaral mo kaya nag-stalk na lang ako." Sabi ni Kimmon.
"You know what I hate, yung may mang-stalk sa akin." Sabi ni Wayo na may halong galit. "You may go now Kimmon, magkikita nalang tayo sa kumpanya."
"Talaga? Babalik ka na sa kumpanya?"
"Dapat ko pa bang ulitin ha, Kimmon?"
Aandar na ulit ang pagkapilosopo ni Wayo. Naiinis na din si Wayo kay Kimmon dahil obvious na sa mukha niya. Talagang gusto na ni Wayo na umalis si Kimmon.
Naglakad na palabas si Kimmon pero tinawag ulit siya ni Wayo.
"Itago mo muna 'to na nakabalik na ako ng Bangkok. Kapag may makaalam kahit ni isa sa kumpanya, I'm goona kick you out of my company... forever!" Pagbabanta ni Wayo.
"No worries. Ayoko din ma kick-out dahil nakakamatay kaya pag hindi kita makita." Sumagot pa si Kimmon.
Ngumisi muna siya kay Wayo bago umalis. At nung naka-alis na ang kumag ay napabuntong hininga si Wayo at napasalo pa ng ulo niya.
"May problema ba?" Tanong ko sa kanya.
"Kailangan ko ng kumuha ng security para sa mga anak ko. Natatakot ako na kilala ni Theo si Kimmon baka ano pang gawin sa kanya ng baliw na yun." Sagot niya.
I think kailangan na nga na may magbabantay sa mga anak namin. Hindi namin alam kung anong tumatakbo sa isip ni Kimmon lalo na't this past few years ay mahinahon siya sa kumpanya.
Naging iba ang ugali niya habang wala si Wayo sa Bangkok. Mas lalo siya g determinado sa lahat ng projects ng kumpanya at talagang ume-eksena siya during presentations. Laking gulat ko nga na biglang nagbago ang baliw pero sa nakita ko ngayon, bumalik ulit ang obsession niya nung nakita niya si Wayo.
Biglang nag-dial si Wayo sa phone niya at hindi ko alam kung sino ang tinawagan niya.
"Perth... kailangan ko ang mga tauhan mo bukas na bukas." Sabi ni Wayo.
Naku, tight security na ito kapag si Perth na ang pakiki-usapan ni Wayo.
"Yes... pumunta ka nalang dito sa bahay at dito ko na sasabihin ang rason kung bakit." Dagdag pa ni Wayo.
BINABASA MO ANG
My Fair Prince
FanfictionStorya ito ng isang teenage boy (Bas) na napilitan magpanggap na babae dahil sa isang rason na kailangan ng taga-pagmana ang pamilyang Panitchayasawad, na isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa bansa. Sa kanyang pagpapanggap ay makilala niya ang is...