75. Woe

1.7K 84 48
                                    

Hindi ako maka-concentrate sa trabaho dahil nag-aalala ako sa asawa ko. Iniwan ko siya sa kumpanya niya at nandito naman ako, malayo sa city, dahil binisita namin ang ibang sites. Parang wala ako sa sarili at ang iniisip ko lang ay si husbey.

"Guys, kailangan ko bumalik ng city." Paalam ko sa kanila.

Aalis na sana ako pero pinigilan ako ni Yihwa.

"May problema ka ba? Kanina ka pa wala sa sarili." Tanong ni Yihwa sakin.

"Not now, Yihwa. Kailangan ko ng bumalik."

Napahinto ako sa harap ng van nung na-realize ko na company van pala ang ginamit namin. Hindi man lang ako nagdala ng kotse.

"Tara, mag-commute na lang tayo." Sabi ni Godt.

Napalingon ako at mukhang sasamahan niya ko pabalik.

"Tatawagan ko nalang si Perth para magpasundo ako sa bodyguards." Sabi ko.

"Matatagalan pa yun. And besides, kaya na ni Tae at Yihwa ang trabaho."

Hinawakan na niya yung kamay ko at hinila na niya ko. Naghintay kami sa isang waiting shed at naghintay ng masasakyan. Baka may dumaan na bus.

Umupo lang ako at nakatulala sa ground. Hindi ko maiwasan na mag-alala kay husbey. Baka nahirapan siya ngayon o kaya may masakit sa katawan niya tapos wala ako sa tabi niya.

Nung may dumating na bus ay sumakay agad ako. Umupo kami sa may likod at nakatingin lang ako sa may labas. Occupied na ang utak ko sa kakaisip kay husbey.

"May problema ka ba, Bas?" Tanong ni Godt.

"Wala naman." Sagot ko ng hindi tumingin sa kanya.

"You can tell if you want and I'll listen."

Hindi pa ako handa na ibahagi yung sakit ni husbey sa ibang tao. Ayoko makaramdam sila ng awa.

Sa buong biyahe namin ay hindi ako nakatulog. Nagtext ako sa asawa ko at hindi siya nagreply. Mas lalo akong nag-alala at gusto na makapunta sa kumpanya niya. Nagtext na din ako kay Perth na sunduin ako ng mga bodyguards sa bus terminal.

Nung bumaba na kami sa terminal ay nauna na ako umalis. Dali-dali na ako nagpaalam kay Godt at sumakay agad sa kotse ko. Inutusan ko yung driver na dumaan kami sa kumpanya ni husbey.

Napatakbo ako papunta ng elevator nung dumating ako sa kumpanya. Hindi na rin ako nakabati sa mga bumati sakin.

"Sir Wayo, may kausap pa po si Sir Frank." Sabi ni Mr. Supassit.

"Sino?"

"Ang daddy mo."

Anong ginagawa ni Dad dito? Alam na din ba niya yung kalagayan ni husbey? Siguro nakuwento ni Perth yung pinasundan ko sa kanya si husbey. Sana naman hindi pa alam ni Dad.

"Papasok na ako Mr. Suppasit."

Pipigilan sana niya ko pero pumasok na ako.

"Anak, bakit nandito? Di ba nasa site ka ng project mo?" Tanong ni Dad sakin.

Napalingon naman si husbey at nagtaka din siya kung bakit ako nandito.

"Iniwan ko muna kay Yihwa at Tae yung trabaho ko dahil kakausapin ko ang asawa ko." Sagot ko.

Tumayo na si dad mula sa upuan niya.

"Anyway, tapos na rin kami mag-usap ni Frank."

Lumapit siya sakin at nakangiti pa siya. Mukhang hindi pa niya alam ang kondisyon ng asawa ko.

My Fair PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon