Bas POV
Each and every day is really tough for me and my husband.
Araw-araw kami pumupunta sa hospital para sa intesnive treatment niya. Nabawasan na siya ng timbang dahil sa sakit at side effects ng treatment niya. Nagsimula na rin lumagas yung mga buhok niya. Lahat yun ay masakit tingnan na kahit nahihirapan ang asawa ko ay ngumingiti pa rin siya.
Ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Yung takot ay unti-unti ng nanaig sa sistema ko.
Seven months na siya nagpapagamot pero hindi na nag-improve yung kondisyon niya at mas lalo pang bumilis ang sakit niya.
Gabi-gabi na ako umiiyak at nagsimula na ako mawalan ng pag-asa hindi gaya ng dati na punong puno ako ng pag-asa na gagaling siya.
Bakit ngayon hindi ko na magawang umasa?
Nasa kumpanya ako ng asawa ko dahil kailangan ko na din i-claim ang ownership ng kumpanya ng asawa ko. Si Frank na rin ang pumilit sakin na gawin yun kahit ayoko. Binati ako ng mga empleyado ng kumpanya at sumagot naman ako kahit hindi Good ang morning ko.
Pagpasok ko ng conference room ay nakahanda na pala ang lahat. Nandito din si Godt at yung lawyer ng asawa ko. Hindi ako umupo sa upuan ng asawa ko kaya nakatayo lang ako. Napatingin pa nga ako sa upuan na 'to dahil hindi ko 'to deserve. Mas gugustuhin ko pa na mawala 'tong kumpanyang 'to kesa sa asawa ko.
"Simulan na po natin ang paglahad ng will ni Frank sa kumpanyang ito."
Nagsalita na ang lawyer ni husbey at nung marinig ko ang salita na WILL ay hindi ko lubusan maisip na iiwan na ako ng asawa ko balang araw. Binasa na ng lawyer ni husbey ang lahat na nakasaad sa will at wala namang naging violent reaction ang mga board members.
So far, naging maganda ang performance ni Godt dito sa kumpanya at wala naman naging problema ang board members kaya siguro okay lang sa kanila na maging Chairman si Godt sa kumpanyang ito.
Pero, ako pa din ang may-ari nito at ako lang ang makapagdesisyon na ibigay itong kumpanyang 'to sa mga anak ko.
Nung matapos basahin ng lawyer yung will ay may inabot siyang documents na kailangan ko lagdaan, ang ownership ng kumpanyang ito. Nanginginig ako nung kunin ko yung ballpen dahil nandito pa rin sa puso ko yung takot.
"Wag mong pilitin kung ayaw mo. Pwede mo naman lagdaan yan kung ready ka na." Sabi sakin ni Godt.
"No, I must do this."
Nilagdaan ko na yung document and officially, ako na ang may-ari ng kumpanya ng asawa ko. Tinanong ako ng mga board members kung may gusto ako baguhin sa kumpanya.
"Wala akong babaguhin sa kumpanya. Let's just keept it this way as what my husband started this company." Sabi ko.
Sa totoo lang, nagpipigil ako ng luha ngayon dahil ayoko makita nila na ganito ako kahina sa harapan nila.
"If we don't have any other agenda then I must take my leave. Kailangan ko pa samahan si Frank." Sabi ko.
Sumagot naman sila na wala silang i-present sakin at nagpaalam na rin ako. Nung nakalabas ako ay tinawag ako sa isa ng board members. Sinundan pala niya ko.
"Wayo, kamusta na si Frank?"
Sa tuwing may nangangamusta sa asawa ko ay parang hindi ko kayang sagutin. Napakahirap na ako mismo ang magsabi ng totoo.
"He's doing okay but not fully."
"Sana, gagaling siya. Magaling pa naman siyang leader at owner sa kumpanyang 'to. Ngayon ikaw na ang may-ari ng pinaghirapan niya, sa totoo lang mas lalo kaming na-excite na makatrabaho ka and at the same time, nalulungkot din para sa asawa mo."
BINABASA MO ANG
My Fair Prince
FanfictionStorya ito ng isang teenage boy (Bas) na napilitan magpanggap na babae dahil sa isang rason na kailangan ng taga-pagmana ang pamilyang Panitchayasawad, na isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa bansa. Sa kanyang pagpapanggap ay makilala niya ang is...