Ewan ko ba kung bakit ko nasabi sa kanya na sobrang ganda niya ngayon. Yun lang talaga laman ng isip ko dahil nabighani ako kay Bas. He's more a woman than my girlfriend.
"Tae, tara na? Baka naghihintay na sila."
Ano ba ito? Bakit yung boses niya ay kapareho ni Queenie kapag magsalita siya ng malumanay?
Hindi na ako nakasagot at inabot ko na lang yung kamay ko at hinawakan naman niya. Finally, I touched his hands completely at sobrang lambot pa.
"Thank you po, Franz." Nagbow-down siya sa head of stylist pati na rin sa tumulong sa kanya.
Bas is like a fine lady now. Yung kilos, yung pagsasalita, pero hindi ko pa siya nakita maglakad. This past two weeks, hindi pa rin niya nakuha yung posture at yung paglakad ni Queenie.
"Bas, naiingit talaga ako sa kagandahan." Sabi ni Franz.
"Wag kang mainggit, Franz. All of us are bless with beauty kaya wag mong isipin na pangit ka. Just stay true and the beauty will come out from you."
Shiya!!!
Mas lalo ako pinabilib ni Bas sa acting niya. Although hindi masyadong perfect yung pagpanggap niya but it's closer to perfection and it was such an achievement.
"Mag-iingat ka Bas ha." Sabi ni Franz.
"Bagay sila ni Mr. Darvid." Narinig ko pa yung sinabi ng kasama ni Franz.
Napangisi na lang ako sa comment nila.
"Ready ka na ba, Bas?" Tanong ko.
"I'm sorry, Tae. But I'm Queenie now kaya iwasan mo na tawagin ako sa pangalan starting now."
Wow! Ako pa ang na-koreksyonan. May point din siya kaya sanayin ko na tawagin siyang Queenie baka mabuko pa kami mamaya.
Nung lumakad na siya ay hindi ko na maiwasan ang ngumiti. Talagang nakuha ni Bas yung lakad na tinuro ko sa kanya. Alam ko nahihirapan siya pero determinado naman siyang tulungan ako.
Lumabas na kami ng kwarto at iniwan ko kay Franz ang yung susi.
Namangha talaga ako sa total package ni Bas. Kung ganito ang ayos niya araw-araw ay iisipin ng lahat na babae talaga siya.
Nung sasakay na kami ng kotse ay pinagbuksan ko pa siya ng pinto at hindi ko talaga maiwasan na titigan siya. Something in him that I just want to look at him in a way that I love him... as Queenie.
Habang nasa kotse kami, parang kumportable si Bas ngayon at hindi ko nakita sa kanya yung kaba... like he already embrace his role as Queenie. Pati yung upo niya ay parang prinsesa.
Something inside me says that I should really protect him... as of now. Ang naiintindihan ko na lang sa ngayon ay ang bilis ng tibok ng puso ko dahil nakikita ko sa kanya si Queenie.
Kaya ako na ang napahawak sa kamay niya.
~~.~~
Bas' POV
Pagdating namin sa restaurant ang tinibayan ko na yung loob ko kahit kinakabahan ako. Dahil sa gagawin ko ngayon ay isang kasalanan na lokohin ko yuhg mga tao.
Napaka-gentleman ni Tae ngayon dahil inaalayan niya ko hanggang sa pagpasok ng restaurant.
Kahit hindi ko pa nakita yung lolo ni Queenie ay may isang tao akong namukhaan... at yun si Godt.
"Andun sila, Tae." Sabi ko sa kanya.
"Saan?"
"Sa may 2 o'clock position."
BINABASA MO ANG
My Fair Prince
FanfictionStorya ito ng isang teenage boy (Bas) na napilitan magpanggap na babae dahil sa isang rason na kailangan ng taga-pagmana ang pamilyang Panitchayasawad, na isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa bansa. Sa kanyang pagpapanggap ay makilala niya ang is...