Godt's POV
Nung pagkatapos ng pagkikita namin ng kuya ni Bas ay tinanong ako ni Tae.
"Alam mo ba ang ginagawa ni Bas?"
I gave him a look bago ako sumagot.
"Ano naman kung alam ko? May magagawa ka ba?"
Hinampas ni Tae ang kamay niya sa mesa at nagalit siya.
"Wag kang makiki-alam sa amin ni Bas. It's just between me and him kaya labas ka sa mga ginagawa namin."
I gave him a laugh. Ano sa tingin niya, siya lang ang may karapatan kay Bas? Hindi kaya sila as I know.
"Don't make me laugh Tae. Alam ko may kasunduan kayo ni Bas at wala akong paki-alam kung anong napagkasunduan niyo." Sabi ko.
Napansin ko napakuyom siya ng kamay at napakunot ng noo.
"I'm doing this because I love Bas at wala kang karapatan na sabihan ako na wag manligaw." Dagdag ko pa.
"Bwisit ka Godt!"
Susuntukin sana niya ko.
"Sige gawin mo. Gusto mo bang dagdagan ang eskandalo ni Bas?"
Napatigil siya at umupo ulit.
"Akin lang si Bas at sisiguraduhin ko yan."
"Hindi naman ako nag-alala. May isip din si Bas kaya alam ko kung sino ang gusto niya."
Confident ako na gusto ako ni Bas at panghahawakan ko itong nararamdaman ko. Dahil hindi lang boyfriend ang kaya ko ibigay, poprotektahan ko siya kahit ano pa mangyari sakin.
Tumayo na ako. "By the way, wag ka na lang magugulat sa press conference kung ano man mangyari basta, ilalayo ko si Bas kaagad."
Umalis na ako at bumalik sa hotel na tinutuluyan ko. Pagpasok ko ay nagulat ako na nandito sina Queenie at ang dalawang spy niya.
"Hi Godt."
"Paano kayo nakapasok?"
Ngumiti si Queenie at napatingin sila kay Saint. Nakalimutan ko na magaling pala si Saint magbukas ng mga pintuan. Hacker kasi.
"Nakahanda na ba ang lahat?" Tanong sakin ni Queenie.
"Sigurado ka na ba na magpapakita ka na?" I asked.
"Oo. Ayoko mapahiya ang kapatid ko."
Napa facepalm na ako sa sinabi ni Queenie. Kung alam lang niya kung gaano na kakabado si Bas ngayon para sa press conference.
"Godt, ituloy natin ang napag-usapan natin."
"Kahit hindi mo pa sabihin ay gagawin ko talaga. Ayoko may mangyari sa mahal ko." Sabi ko.
Nagchuckle si Queenie and she's mocking at me.
"Ang tanong, kayo na ba ng kapatid ko?"
Ouch!
Ang harsh naman.
"Hindi pa."
"Yun pala eh. Maka-angkin ka wagas." Nagtawanan silang tatlo at nainis naman ako.
Pinapaalis ko sila pero pinigilan ako nina Perth at Saint.
"Bitawan niyo ko." Sabi ko.
"Relax Godt. Gusto ko lang makasiguro na walang mangyari sa kakambal ko kung hindi, ikaw ang iihawin ko ng buhay."
BINABASA MO ANG
My Fair Prince
FanfictionStorya ito ng isang teenage boy (Bas) na napilitan magpanggap na babae dahil sa isang rason na kailangan ng taga-pagmana ang pamilyang Panitchayasawad, na isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa bansa. Sa kanyang pagpapanggap ay makilala niya ang is...