"Anong ginagawa mo dito?" Tinanong ko siya agad bago pa siya umalis.
Nainis ako nung ngumisi lang siya sakin at biglang naglakad paalis. Sinunndan ko siya at pinigilan ko siya sa paghawak ng braso niya.
"Wag kang bastos!" Sigaw ko.
Lumingon siya sakin at hindi pa rin siya tumigil sa pagngisi niya. Gusto kong inudnod yung mukha niya sa sahig dahil naiinis ako sa pagngisi niya.
"Hinahabol na pala ako ng nag-iisang Wayo Panitchayasawad." Sabi niya.
"Sagutin mo yung tanong ko! Bakit ka nakipagkita kay Dad?!"
Galit na ako dahil ayaw pa rin niya ko sagutin. Mas lalong naghihinala na ako na plano ito ni Dad na para tanggapin ko yung posisyon.
"Anak, huminahon ka." Sabi ni Dad.
"Hihinahon?! Ni-ayaw nga niya sagutin tanong ko. Baka nakakalimutan niyo na ako ang chairman ng kumpanya natin."
Wala na akong choice but to use my superiroity. Ayaw niya sumagot kaya I'll do what it takes para makuha ko ang sagot ng kumag na si Kimmon.
"Now you're threatening me." Sabi ni Kimmon at lumapit na siya sakin. "Hindi ako natatakot sa mga threats, Wayo. Baka gusto mo pang higitan pa yang threat mo."
Napakuyom ako ng kamay at gusto kong suntukin ang mukha ng gagong ito. Ginagalit talaga niya ko.
"Enough!" Binasag na ni Dad yung alitan namin. "Naparito lang si Kimmon para sa mga proposals na prinisenta kahapon."
"What?! Di ba lahat ng mga proposals ay dadaan sakin at bakit sayo pa Dad?"
Galit na rin ako kay Dad. Nilagay niya ko sa posisyon na ito at gusto pa niyang maki-alam. Bakit hindi siya na lang yung naging chairman?
"Itong mga proposals ay under my rule bago mo pa tinanggap yung posisyon kaya I'm checking it bago ko ipasa sayo." Sabi ni Dad.
Aww... nag-overreact naman ako dahil nadala lang sa inis at galit kay Kimmon. Tumawa pa yung kumag sa harap ko. Inirapan ko siya pero hindi man lang natinag. Binigay na sakin ni Dad yung mga proposals.
"Siguro naman nasagot ko na yung tanong mo... can I leave now? O baka gusto mo na rin sumabay sakin?" Tanong ni Kimmon sakin.
"No, thanks." Sagot ko. "Dad, let's talk, now!"
Nauna na akong naglakad paalis papunta ng office niya at hindi ko na pinansin yung kumag. Pagpasok namin sa office ay agad ko tinanong si Dad.
"Anong koneksyon ni Kimmon satin?"
"Ha? Anong ibig mong sabihin?"
Nagtanong ako at nagtanong din siya. Kalokohan! Kung hindi lang masama na upakan ang daddy ko ay matagal ko na ginawa.
"May sinabi siya sakin kahapon na hindi ko maintindihan kaya ikaw lang ang nakakaalam kung ano ba talaga si Kimmon sa atin."
"Aaahhhh!"
Nabigla ako sa "AHHH" ni dad na parang nagets na niya yung gusto kong malaman.
"Varodom is one of our closest friends. Siguro hanggang ngayon ay pinanindigan pa rin ni Kimmon na siya yung mapapangasawa mo." Dagdag pa ni Dad.
"What?!!"
Bakit pakiramdam ko ay naging pokpok na ako nung baby pa ako? Kainis talaga 'to si Dad. Hindi nag-iisip nung kabataan pa niya.
BINABASA MO ANG
My Fair Prince
FanfictionStorya ito ng isang teenage boy (Bas) na napilitan magpanggap na babae dahil sa isang rason na kailangan ng taga-pagmana ang pamilyang Panitchayasawad, na isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa bansa. Sa kanyang pagpapanggap ay makilala niya ang is...