Lagot na!
Hindi ko na dapat bawiin yung nabitawan kong desisyon dito sa harap ng board member.
Nagpalakapakan silang lahat pero si Queenie ay nagulat at nagtaka sa naging desisyon ko. Alam kasi niya na hindi ko tatanggapin yung posisyon pero na-provoke ako ng isang mokong at ang pangalan niya ay...
Kimmon Varodom.
Isusumpa ko talaga ang pangalan niya dahil ginagalit niya ko.
Ayoko din mapunta sa kahit sino ang pamamahala ng kumpanya ng Panitchayasawad. Tuwang tuwa naman silamg lahat at lalo na si Dad.
Bakit pakiramdam ko ay pakulo ito ni Dad para tanggapin ko yung posisyon? Hindi ko talaga siya mapapatawad kapag yan ang plano niya sakin para tanggapin ito.
Wala na akong choice kung di panindigan na ito. Ang inaalala ko na lang ngayon ang ang asawa ko. Nakakaamoy ako ng away mamaya sa pag-uwi niya.
"Congratulations, Wayo."
Binati ako ng mga board members at sa isang iglap lang ay ako na ang Chairman ng kumpanyang ito.
Mas lalong mawawalan na ako ng time sa pamilya ko.
Pagkatapos ko i-anunsyo yung pagtanggap ko sa posisyon ay agad na rin nila nilahad yung mga upcoming projects nila. Hindi man lang ako nasabihan na agad-agad pala. Umupo na lang ako at nakinig sa mga binabalak nila na projects.
Nagtagal ako ng mahigit dalawang oras dahil sa mga prinesent na mga projects nila. Bagong mall, automotives, at hotels internationally. Parang sasakit ang ulo ko sa biglaang mga projects nila dahil hindi pa ako handa ngayon. Sana binigyan nila ako ng time na makapag-adjust.
Pagkatapos ng meeting ay binati ulit ako ng board members pati na rin si Dad.
"Dad, mag-usap tayo." Bulong ko sa kanya para hindi makahalata yung ibang tao.
Tumango siya at nagpa-iwan kami pagkatapos nagsi-alisan ang board members.
"Sinadya mo ba ito Dad?" Agad ko siya tinanong.
"Sinadya ang alin?" Tanong din niya sakin.
Napasalo ako ng ulo nung tinanong din ako ni Dad.
"Yung pagpasok sa kumpanya natin yang Kimmon Varodom." Sagot ko.
"So, kilala mo na siya."
"Yes Dad. Kaibigan siya ng asawa ko."
"Ano naman ngayon anak? Ang pamilya niya ay may pinakamalaking share dito sa kumpanya natin."
Ano ba kasi naisip ni Dad at pumayag siya? Ano din ang maitulong ng kumag na yun sa kumpanya namin? Baka puro poses lang ang magagawa niya.
"Don't underestimate Kim Varodom. Matalino din siya anak at kaya ka niya tulungan." Dagdag pa ni Dad.
"So, does it mean I'm really out of this company Dad?" Tanong ni Queenie.
Inirapan ko siya dahil naiinis ako sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya ay wala ako ngayon dito.
"Yes, Queenie. Pwede ka na mag-aral ulit ng kurso mo." Sabi ni Dad.
"No! This is unfair Dad!" Napalakas ang boses ko. "Ako din naman ay hindi ko natapos ang pag-aaral ko. Ano nalang sabihin ng mga board members natin?"
"Don't push yourself down, anak. Alam ko matalino ka at nagawa mo ngang palaguin ang kumpanya ng asawa mo so why don't you do it in our company? Nandiyan din si Kim para tulungan ka." Sagot ni Dad.
BINABASA MO ANG
My Fair Prince
FanfictionStorya ito ng isang teenage boy (Bas) na napilitan magpanggap na babae dahil sa isang rason na kailangan ng taga-pagmana ang pamilyang Panitchayasawad, na isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa bansa. Sa kanyang pagpapanggap ay makilala niya ang is...