91. Will Protect For Love

1.5K 72 122
                                    

Wayo's POV

Iyak ako ng iyak dahil sa nangyari. Nawawala ang anak ko na si Theo at hindi ko alam kung sino kumuha. Nagkasakit kasi si Perth kaya medyo nag-loosen up ata ang security namin. Pero, hindi naman siguro nagkulang ang mga tauhan niya dahil mismo sa kwento ng mga bodyguards at pati si P'Dott ay kasama daw ni Theo ang ang mga bodyguards habang hinihintay nila si Bank at Cerdic na lumabas.

Kasi naman, ano naisip ni Theo na sa ibang section siya, yung magkahiwalay sa kapatid niya.

"Wayo, sorry..."

"It's okay P'Dott. Wala namang kasalanan. Siguro naisahan lang tayo sa may gustong kumidnap kay Theo." Sabi ko.

Nag-aalala pa rin ako sa kalagayan ni Theo.

Kwento pa ng mga bodyguards na nakasama ni Theo ay nakita nila yung mga kasamahan nila na nakahiga na sa sahig na walang malay. Nag-restroom lang kasi yung anak ko pagkatapos may sumugod daw sa kanila. Kung ganun ang nangyari, na-infiltrate ng mga kumidnap sa anak ko yung security namin.

Palaging nagso-sorry yung mga bodyguards sakin dahil sa nangyari. Oo, galit din ako sa kanila dahil sa napabayaan nila yung trabaho, pero nangyari na yun at hinahanap na nila ang anak ko.

"Young master...."

Dumating si Perth na naka pajama at naka face mask kasama si Saint.

"Sorry, young master. Alam ko naging kampante ang mga tauhan ko." Sabi ni Perth.

"Okay lang Perth. Ang tanging gawin nalang natin ay hanapin ang anak ko."

Pinaupo ko na siya dahil may sakit pa siya. Biglang kinuha ni Saint yung laptop niya at may ginagawa na hindi ko maintindihan.

"Hindi ko talaga maka-detect yung bug chip na nilagay ko sa bag ni Theo. Mukhang may alam ata yung kumidnap at sinira siguro yun." Sabi ni Saint.

"May ibang paraan pa ba Saint na mahanap natin ang anak ko?" Tanong ko.

"Nagpa-connect pa ako sa lahat ng CCTV ng city para may hawak ako nito. Mas madali sa ganitong paraan Wayo." Sabi niya sakin.

Dahil sa pag-alala ko ay naisipan ko ng gamitin ang mga koneksyon ko pero pinigilan muna ako nina Saint at Perth. Gusto muna nila subukan hanapan ang anak ko sa paraan nila.

Mga ilang minuto ay dumating si Godt at niyakap niya ko ng mahigpit.

"Anong nangyari? Nabalitaan ko na nakidnap si Theo."

"Godt, hindi ko alam kung sino ang may kagagawan nito. Hindi maalis sa isip ko si Theo. Baka sinaktan na nila o hindi pa kumain. Matakaw pa naman yung anak ko." Sabi ko habang umiiyak sa dibdib ni Godt.

"Si Kimmon. Baka siya ang nagpakidnap sa anak mo."

Umiling ako dahil nakita ko pa si Kimmon sa office kanina. Malamang wala siyang ginawa. Sinabi ko na rin kay Godt na hindi si Kimmon ang may kinalaman nito.

"Hindi tayo nakakasiguro diyan Wayo. Hindi lang tayo ang may kayang mag-hire ng mga tao kaya wag mo muna i-exclude si Kimmon sa nangyari ngayon." Sabi ni Godt.

Kumalas si Godt sa yakapan namin at aalis ulit siya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Titingnan ko lang kung nasa kulungan si Pring baka nakatakas siya at siya yung kumidnap kay Theo."

"Sasama ako." Sabi ko.

"Wag na. Baka ano pa gawin ni Pring sayo."

"No! Kapag ang anak ko na ang involve dito, patawarin na lang ako ng Diyos kung anong magagawa ko sa taong kumidnap kay Theo." Sabi ko.

My Fair PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon