Hindi ko akalain na ang dalawang kaibigan ni Wayo na sina Mean at Plan ay isa sa mga shareholders ng Thanatsaran at Panitcahayasawad. Kami lang muna ang nakakaalam dahil ang pagpapakilala ni Wayo sa ibang board members ay partnership lang. Gusto ni Wayo na separate pa rin ang kumpanya at walang merge kaya gusto ng pamilya ni Mean na makapasok sa Panitchayasawad at si Plan naman sa Thanatsaran. Mananatiling partners lang sina Tae, Copter at Yihwa.
"Wayo, sigurado ka ba sa plano mo?" Tanong ko sa kanya.
"Oo. Mean and Plan are skilled kaya ko sila pinasok sa kumpanya." Sagot niya.
"Pero bakit ganito? Akala ko ba i-merge mo yung kumpanya."
Tumingin na rin siya sakin dahil kanina pa siya busy sa pagbabasa ng mga paperworks dito sa office.
"Wala akong balak i-merge ang dalawang kumpanya. Itong Thanatsaran Company ay nakalaan na ito kay Cerdic at yung sakin naman ay kay Theo."
Oo, alam ko na yun ang balak niya pero bakit may mga major shareholders pa eh meron naman bawat kumpanya. Yun ang talaga ang pinagtataka ko.
"May dapat ba akong malaman kung bakit ganito ha, Wayo?" Tanong ko.
Nakatitig lang siya at hindi sumagot. Binaling na niya yung tingin sa mga papel na binabasa niya.
"Sagutin mo ko!" Medyo napalakas ang boses ko.
Inirapan niya ko at tumayo siya. Lumapit siya sa akin at tinulak niya ko patungo sa secret room. Pagpasok namin ay ni-lock pa niya ang kwarto. Hinila niya yung necktie ko para makayuko at hinalikan ako pero pumalag ako.
"Wayo!" Napasigaw ako. "Seryoso ako! Sagutin mo ko!"
"Ayaw mo bang kumalma muna bago ko sagutin ang tanong mo? Masyado ka ng hot." Sabi niya.
Medyo nainis ako dahil inaakit talaga ako ni Wayo. Aaminin ko, tumigas nga ang junjun ko pero hindi ito ang tamang solusyon na mapasagot ko siya sa tanong ko.
"Enough Wayo. Ayoko ng ganito. Gusto ko lang sagutin mo tanong ko." Sabi ko.
Napabuntong hininga siya at binitawan niya yung necktie ko saka inayos.
"Wala akong dapat sagutin dahil wala ako ibang balak sa kumpanya kundi ang pagpapalago pa nito." Sagot niya.
Hindi pa ba siya kuntento sa mga successful projects ng mga kumpanya? Parang iba na kasi si Wayo at parang nag thrive pa siya ng maraming success. Pero, hindi ako naniniwala sa pinapakita niya sakin. Alam ko na may hidden agenda 'to si Wayo kung bakit may Mean at Plan.
"Sige, paniniwalaan ko yan sinabi mo. Pero, kapag malaman ko na may ibang plano ka hindi na kita patatawarin." Sabi ko.
Ngumiti lang si Wayo at lumapit sakin. Inayos pa niya yung damit ko na parang asawa ko siya. Pagkatapos ay lumabas na siya at wala namang sinabi sa mga sinabi ko.
Umalis ako ng kumpanya ng naiinis dahil kay Wayo. Pakiramdam ko talaga may ibang plano siya at ayaw niya ko isali. Siguro, bumaba na ako sa posisyon ko sa kumpanya kaya labas na ako sa mga plano niya.
May iba pa akong iniisip, yung tungkol sa sinabi ni Copter sa party. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya kaya bothered pa rin ako.
Nung nakarating ako sa hospital ko ay sinalubong ako ng secretary ko. Pinaalam niya sakin na gusto makipagkita sakin si Yihwa kaya pinaset ko ng sched dahil marami pa akong aasikasuhin dito sa hospital. Alam ko naman kung bakit makikipagkita si Yihwa sakin dahil sa napag-usapan namin noon na magtayo pa ako ng isa pang hospital.
BINABASA MO ANG
My Fair Prince
FanfictionStorya ito ng isang teenage boy (Bas) na napilitan magpanggap na babae dahil sa isang rason na kailangan ng taga-pagmana ang pamilyang Panitchayasawad, na isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa bansa. Sa kanyang pagpapanggap ay makilala niya ang is...