Bas' POV
Muntik na ako matukso sa stranded moment namin ni Godt. Hindi ko maipaliwanag yung sarili ko na bumilis ulit yung tibok ng puso ko para kay Godt. Dapat wala na... wala na dapat akong nararamdaman para sa kanya. Buti nalang naisip ko si Frank habang mahuhulog na sana ako sa tukso. Naisip ko na may asawa akong sobrang mahal ako.
"Bas, I'm sorry."
Biglang nagsalita si Godt habang nagdrive siya pabalik ng city.
"It's okay." Tipid na sagot ko.
Nagpahatid na ako sa kanya sa bahay namin para makapag-bihis dahil basa pa rin yung damit ko. Nagpaalam na din ako kay husbey na uuwi muna ako at pati na yung nangyari sa amin.
Habang pabalik kami ng city ay hindi ko maiwasan na maisip ulit yung nangyari. For the first time since we broke up, may impact pa din yung katawan at halik ni Godt sa akin. Parang nasa state of confusion ako ngayon na dapat hindi na. Naguguluhan tuloy ang utak at puso ko.
No!
May asawa na ako at mahal ko siya. Masaya na ako sa piling ni husbey at magkakaroon na rin kami ng anak. Siguro sapat na ito para mawala sa isip ko itong nararamdaman ko para kay Godt.
Pagkalipas ng ilang oras ay nasa tapat na kami ng bahay ko. Lalabas na sana ako pero pinigilan ako ni Godt.
"Bas, I really mean it. I'm sorry."
Ewan ko ba kung bakit nawala agad yung galit ko kay Godt kapag magso-sorry siya sa akin. Sincere kasi ang mga mata niya ngayon.
"Titigilan na kita." Dagdag pa niya.
Pero, bakit mukhang nalungkot ako? Parang sinabi na din niya na lalayo na siya at hindi na makipagkita sa akin.
"Na-realized ko na nahihibang ako sa mga ginagawa ko. Dapat, masaya na ako para sayo dahil masaya ka kahit hindi man ako ang nagpapasaya sayo."
Bigla niyang hinawakan yung mukha ko at napa-isip ako sa susunod na mangyari.
"Bas, for the last time." He took a paused for a while. "Can I kiss you?"
Hindi ko alam ang isasagot ko pero deep inside me gusto ko sa huling pagkakataon ay mahalikan ko din siya and that will be for good. Instead na sasagot ako ay ako pa yung humalik sa kanya.
Nagulat na lang ako sa ginawa ko. Something in me really want to keep him.
For those past few weeks na magkasama kami sa trabaho ay nawala sa isip ko na ex-boyfriend ko ang kasama ko. Naging kumportable ako sa kanya at ramdam ko din yung pag-alaga niya sakin. Kahit saan sumasama siya sakin kahit pupunta man lang ng restroom.
"Sana, yung halik na yun ay huli na." Sabi ko.
"Yes Bas... I hope na magiging masaya ka na kay Frank."
Tumango ako at ngumiti sa kanya bago ako lumabas. Hinintay ko pa na mawala sa paningin ko yung kotse niya pero nagulat ako nung nakita ko ang asawa ko.
Nakaramdam tuloy ako ng takot at konsensya. Lumapit siya sakin at niyakap niya ko.
"I miss you, wifey." Sabi niya.
Napayakap na din ako dahil sa yakap niya at sa sinabi niya ay nawala ulit yung nararamdaman ko kay Godt. Siguro, mas nanaig pa din yung pagmamahal ko sa asawa ko.
"I'm sorry, husbey." Sabi ko.
Medyo malungkot yung pagkasabi ko.
"Bakit ka nag-apologize sakin?" Tanong niya sakin.
BINABASA MO ANG
My Fair Prince
FanfictionStorya ito ng isang teenage boy (Bas) na napilitan magpanggap na babae dahil sa isang rason na kailangan ng taga-pagmana ang pamilyang Panitchayasawad, na isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa bansa. Sa kanyang pagpapanggap ay makilala niya ang is...