~~ Three Weeks Later ~~
Napagkasunduan na namin ni Frank ang gagawin namin partnership. Pinirmahan na rin niya yung nais kong gawin for the half of his share na ibibigay niya kay Bas pero hindi pa rin niya sinabi yung dahilan kung bakit niya ibibigay yun. Hindi ko pa rin sinabi sa kapatid tungkol dito, malamang hindi yun papayag.
All is set for the official signing of contract na gaganapin sa conference room ng company building. Naghahanda na rin yung mga empleyado ko. Ang kulang nalang ay yung pirmahan four days from now.
Nagkausap na din kami ni Godt tungkol sa partnership at wala naman siya any disagreements pero hindi ko rin sinabi sa kanya yung balak ni Frank para sa shares niya.
Araw-araw din ako binisita ni Mr. Chai tungkol dito dahil siya lang yung sa board of members ang tumututol sa partnership. Inaalala niya baka i-dominate ni Frank yung kumpanya namin but I assured him na hindi yan magagawa ni Frank.
Gusto ko tuloy pumunta ng Pilipinas para bisitahin si Bas bago ko pirmahan yung kontrata pero may pumipigil sakin at hindi ko alam kung bakit. Iba kasi ang pakiramdam ko.
"Kamusta si Tee? Wala bang masamang nangyari sa kanya?" Tanong ko kay Perth nung nagkita kami sa dito sa kotse ko.
"So far, wala namang sumusunod sa kanya. May mga tauhan na rin ako na nagbabantay sa kanya."
"Good. Mas mabuti ng maingat tayo dahil hindi pa natin alam kung sino ang kalaban ko." Sabi ko.
May binigay sakin si Perth na isang larawan kung saan nakita ko si Trina na may kausap sa isang coffee shop. Isang lalake na hindi pamilyar sa akin.
Ano naman kaya ang binabalak niya laban sakin?
"Nakipagkita siya sa mga board members ng Ragatanyo Company." Pinaalam sakin ni Perth.
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Perth. Talagang may binabalak talaga ang babaeng ito. Gusto ko siyang ipasagasa sa pison.
"Ipagpatuloy niyo ang pagbabantay sa kanya." Utos ko sa kanya.
"Okay, young lady."
Bago lumabas si Perth ay nagsuot muna siya ng shades at cap. Napaisip ako kung bakit kinakausap ni Trina yung mga board members ng Ragatanyo Company. Siguro, kakalabanin talaga niya ko.
Bumalik ako ng kumpanya ko ay nagtaka si P'Jane kung bakit nasa labas ako.
"Young lady, umalis po ba kayo?" Tanong sakin ni P'Jane.
"Kakarating ko lang."
"Ha? Sino yung nasa loob?"
Nung tinanong niya sakin kun sino yung nasa loob ng office ko ay agad ako napatakbo papasok sa office ko.
Shiya!!
"Hi, sis."
Hindi ko inaasahan na bumisita sakin yung kakambal ko. Agad ko siya niyakap dahil na miss ko siya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ako mapakali eh. Iba kasi yung pakiramdam ko kaya pinuntahan na kita." Sagot niya.
"At talagang nagpanggap ka pa na ako."
Tumawa lang siya at umupo sa sofa. Pareho pala kami na iba yung pakiramdam. Hindi ko masabi kung ano yun pero mutual talaga samin yun.
"Kasama mo si Godt?" Tanong ko sa kanya.
"Oo. Gusto din niya bumalik ng Thailand dahil sa Mama niya." Sagot ng kapatid ko.
BINABASA MO ANG
My Fair Prince
FanfictionStorya ito ng isang teenage boy (Bas) na napilitan magpanggap na babae dahil sa isang rason na kailangan ng taga-pagmana ang pamilyang Panitchayasawad, na isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa bansa. Sa kanyang pagpapanggap ay makilala niya ang is...