94. Will be a Fool For Love

1.8K 85 153
                                    

Wayo's POV

Sobrang inis ako kay Godt nung tinanggihan niya ko. Ako na nga 'tong nag-initiate pero siya naman umaayaw. Dati, siya 'tong gustong gusto makipag-joogs sakin. Hindi naman sa gusto ko talaga makipag-sex, gusto ko lang makipag make love sa kanya dahil namiss ko siya. Nasanay na kasi ako na siya yung kasama ko noon pagkatapos mawala ni Frank.

Kaya napaisip na ako na baka hindi talaga ako deserving sa kanya kaya siya umaayaw sa akin.

Lumabas ako n kwarto na inis na inis sa kanya. Nagdabog pa ako ng pinto nung pumasok ako sa kwarto ko at sumigaw dahil sa inis. Yung unan ko na nga ang ni-wrestling ko dahil sa inis.

Habang nagwa-wild ako dito sa kwarto ko ay biglang nag-alert yung phone.

Wayo, can we have a dinner tonight? May utang ka pa sakin na dinner. —

Text ni Joss sakin.

Naalala ko na may utang na loob pa pala ako kay Joss kaya...

Sure! Gusto ko din magbuhos ng sama ng loob. —

Kaya naligo muna ako para fresh ako sa dinner date namin ni Joss... friendly date lang naman. Nagbihis na rin ako ng white long sleeves at maong na pants. Ayoko kasi masyadong pormal kaya maong na lang.

Nagtext na rin si Joss na susunduin niya ko sa bahay kaya I took my time. Naglagay ako ng mga facial skin care at BB Cream, tapos konting lip tint para mapula ang labi.

Bago ako bumaba sa living room ay dumaan muna ako sa kwarto ni Godt. Tulog na siya kaya umalis na lang ako. Magpapaalam sana ako.

Nakita ako ni P'Dott na umupo sa sofa at sa kanya na ako nagpaalam. Hindi ko sinabi na si Joss ang kasama ko. Nagtext na rin ako kay Mr. Suppasit na kapag tumawag si Godt sa office kailangan sabihin niya na kanina pa ako umalis dahil hindi ako pumasok sa trabaho ngayon.

Maya-maya ay dumating na si Joss at sumakay na ako sa shotgun seat ng kotse niya.

"Saan mo gusto mag dinner?" Tanong niya sakin habang nagda-drive siya.

"Kahit saan basta masarap ang pagkain."

"Okay. Ako na bahala."

Medyo na stuck pa kami sa traffic bago nakarating ng restaurant. Sa Japanese restaurant niya ko dinala kaya sobrang saya ko deep inside. Favorite ko kasi ang Japanese food din... sushi, maki, tempura, gyudon, dumplings, ramen, lahat yan ay oorderin ko.

Kaya naman ni Joss bayaran lahat ng oorderin ko.

Pumasok kami sa restaurant at dinala kami ng waitress sa isang secluded room, parang VIP room nila na kami lang ni Joss.

Yung feels at ambiance ng room ay talagang Japanese na Japanese.

"Joss, halika na!" Excited ako nagyaya sa kanya.

Umupo na kami at nag-order na siya. Hindi pa ako nag-order baka kasi magkapareho kami. Mabuti nalang hindi siya nag-order ng katulad sakin. Ramen lang ang inorder niya. Siguro health conscious siya.

"Wayo, umorder ka na."

Nung sinabihan na niya ko ay hindi na ako nahiya mag-order sa mga iniisip ko kanina.

"Mauubos mo yun, Wayo?" Tanong niya sakin.

Mukhang hindi siya makapaniwala na mauubos ko lahat ng inorder ko.

"Yeep." Asal bata ang pagkasagot ko.

Habang naghihintay kami sa order namin ay sinimulan ko na yung usapan.

My Fair PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon