"Anong ginagawa mo dito Kimmon?" Tanong ko sa kanya nung lumapit na ako.
Paglingon niya ay nagulat ako sa bagong hairstyle niya na may pa-brush up pa. Nakasuot pa ng puting branded long sleeves polo at slacks. Saan ba ang punta niya? Sa binyag?
Ngumiti pa siya sakin bago niya ko sinagot.
"Sinusundo na kita."
"Ha? Sinusundo? Bakit mo ko susunduin?" Tanon ko.
"Di ba wala ka ng asawa kaya ituloy na natin yung marriage agreement ng mga daddy natin."
Hindi ko napigilan na sampalan siya kaagad. Galit ang umapaw sakin dahil wala siyang respeto.
"Hindi porket namatay ang asawa ko ay ganun na ang iniisip mo!" Napasigaw ako.
Napangiwi siya pero mukhang hindi siya tinablan. Ngumisi pa rin siya at talagang seryoso siya. Kaya ba ganito ang get-up niya dahil akala niya na magpapakasal ako sa kanya?
NO WAY!
"Wag ka ng pakipot Wayo. Alam ko na kailangan mo pa rin ng kasama sa buhay mo kaya..."
"Don't even fantasize that I'll agree to what you're saying right now. Walang marriage agreement at wala akong pakakasalan kahit sinuman. Si Frank lang ang asawa ko!"
Tumawa siya ng malakas na parang nakaka-insulto na din sakin. Hindi ko akalain na ganun ang reaksyon niya.
"Come on, Wayo. Lahat ng tao ay kailangan ng kasama sa buhay at ikaw lang ang nararapat sakin na maging kasama ko at asawa ko." Sabi niya.
Pinipilit pa rin niya yung gusto niya hanggang ngayon. Kaya ba hindi siya nakiramay sakin nung namatay ang asawa ko dahil ito pala ang gusto niyang mangyari? Parang sinadya niya na hindi kami guluhin dahil may sakit nga ang asawa ko kaya ngayon na wala ng magtatanggol sakin ay sinagad na din niya ang gusto niya sakin.
"I'm sorry Kimmon but you're just a stranger to me so please get out of this house."
Mahinahon pa ako nung pinapaalis ko siya pero matigas pa din ang kumag.
"Wag mong hintayin na ako pa ang kumaladkad sayo." Dagdag ko pa.
"Hindi mo ko kaya Wayo. Kahit pagtabuyan mo ko ay hindi pa rin ako susuko na makuha kita. Mas lalo pa nga kitang nagustuhan at minahal dahil palaban ka." Sabi niya.
Hinila ko na ang braso niya pero pumalag siya. Napatingin ako sa kanya na galit na galit at bigla niya ko hinila palapit sa kanya at hinalikan niya ko sa labi. Isang malutong na sampal ang ginawa ko sa kanya pero mapilit pa rin siya.
"Kimmon!!!"
Narinig ko na sumigaw si Papa mula sa taas at napatigil si Kimmon sa paghalik sakin. Napalingon ako at bumaba na si Papa kasama si Mama. Inutusan ni Papa na bantayan muna si Cerdic sa kwarto ko.
"Respetuhin mo ang aking bahay kaya gawin mo din yan sa taong nakatira dito at isa na yun si Wayo."
May diin ang pagkasabi ni Papa kay Kimmon pero nung lumingon ako kay Kimmon ay parang nagulat siya kung bakit alam ni Papa yung pangalan niya.
"Kilala mo ko?" Tanong niya.
"Oo, ikaw lang naman ang nag-iisang tagapagmana ng pamilyang Varodom."
Biglang tumawa si Kimmon sa sinabi ni Papa. May sapi na talaga 'to si Kimmon.
"Oh right... ikaw nga yung dating right hand ng daddy ni Wayo... P'James."
BINABASA MO ANG
My Fair Prince
FanficStorya ito ng isang teenage boy (Bas) na napilitan magpanggap na babae dahil sa isang rason na kailangan ng taga-pagmana ang pamilyang Panitchayasawad, na isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa bansa. Sa kanyang pagpapanggap ay makilala niya ang is...