3. Predicament

3.3K 176 23
                                    

Tumakbo ako ng mabilis papunta sa classroom ni kuya Tod dahil sa binalita ni mama. Umiiyak ako habang tumatakbo. Tinatawagan ko siya pero di siya sumasagot.

Pumasok agad ako sa classroom ni kuya Tod habang nag-lelecture yung teacher.

"Hey! Sophomore! Lumabas ka nga, may klase pa ako." Sabi ng teacher nila.

Tumayo agad si kuya Tod nung nakita niya ko umiiyak.

"Prof, kausapin ko muna yung kapatid ko. Mukhang may problema."

Pumayag naman yung professor nila at lumabas kami ni kuya Tod sa classroom.

"Oh, bunso... bakit ka umiiyak?" Tanong niya sa akin.

Napayakap ako sa kanya ng mahigpit at nag-pat siya sa ulo ko.

"Kuya, si papa..." humihikbi ako.

"Bakit? Anong nangyari kay papa?"

"Inatake siya sa puso at nasa ospital diya ngayon."

Napahinto si kuya sa pag-pat sa ulo ko. Napatingin tuloy ako sa kanya at mukhang natulala siya.

"Kuya, pumunta na tayo ng ospital please."

Hinawakan niya yung braso niya at hinila niya ko, tumakbo papunta ng parking lot. Agad niya pina-andar yung kotse at nagdrive ng mabilis papunta sa ospital.

Nung dumating kami sa ospital ay tumakbo kami papunta ng emergency room at nakita namin si mama na nakaupo at umiiyak.

"Ma, ano ba nangyari kay papa?" Tanong ni kuya.

Lumapit ako kay papa na nakahiga sa bed at may naka-attach na mga leads sa dibdib niya.

"Pa, andito kami ni kuya." Sabi ko.

Bumuka yung isang mata niya at napansin ko na may facial asymmetry siya on the left side. Gusto niyang magsalita pero hindi niya magawa.

"Misis, nakita ko na yung CT-Scan ng asawa niyo. May dugo po siya sa right side ng utak niya dahil din ito sa sobrang taas ng blood pressure niya. Kaya, di niya magalaw yung left side ng katawan niya at naapektuhan din verbal aspect niya."

Narinig ko na pinaliwanag ng isang doktor yung kondisyon ni papa habang nakahawak ako sa kamay ni papa.

"Doc, gawin niyo lang yung dapat gawin." Sabi ni kuya.

Umiiyak na kasi si mama kaya si kuya na yung kumausap sa doktor.

Hinahaplos ko yung kamay ni papa at gustong gusto niya magsalita. Parang may sasabihin talaga siya sa akin dahil pinipilit niyang magsalita kahit hindi niya magawa.

"Ma, may naipon po ba kayo for emergency? Baka kasi kailangan natin ng malaking pera." Sabi ni kuya.

Napalingon ako sa kanila at tumango naman si mama.

"Anak, yung inipon ng papa mo ay para yun sa pag-aaral niyo. May naipon naman ako sa bangko pero hindi masyadong malaki." Sabi ni mama.

"Okay. Gamitin nalang natin lahat Ma just in case. Sa ganitong kondisyon, kailangan din ni papa ng rehab kaya kailangan natin ng malaking pera. Kung magkulang man tayo Ma, ibebenta ko na lang yun kotse ko."

"Wag anak! Regalo yan ng papa mo." Sabi ni mama.

"Aanhin ko pa naman yung kotse Ma kung hindi natin ma-ipagamot si papa? Kaya ko naman magcommute." Sabi ni kuya.

Mukhang magka-problema siguro kami sa pera pero di pa namin alam kung magkano ang kailangan.

Lumapit sa akin si kuya at gusto niya na bumalik ako sa school para kunin yung gamit namin. Hindi naman niya kayang iwan si mama dahil umiiyak pa siya. Sinunod ko na lang siya at bumalik ako.

My Fair PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon