Chapter 1

6.8K 158 17
                                    



"Papu alis ka na?"

Nakangiting hinaplos ni Wonwoo ang buhok ng kanyang 5 taong gulang na anak na babae. "Yes, baby need kasi magwork ni papu eh.

"Bakit po?"

"Para may pambili si papu ng food ni Mina."

"Bakit po?"

"Para di magugutom si Mina."

"Bakit po?"

"Kasi love si Mina ni papu."

"Bakit po?"

Napabuntonghininga si Wonwoo saka lumuhod para magkaharap sila ng anak.

"Baby, malelate na si papu. Aalis na ako ah. Love you kayo muna ni papa mo ang magkasama ngayon."

Nakasimangot nalang na tumango si Mina at tinanaw ang ama na palabas na ng kanilang bahay. Nang hindi na niya matanaw ang kanyang papu. Kinuha niya sa center table ang isang picture frame na kinalalagyan ng picture ng kanyang papa.


---

"Late ka friend," bungad ni Jun kay Wonwoo na hindi magkandaugaga sa dami ng dala dala.

"Si Mina kasi eh ayaw akong paalisin," hinahapong sabi ni Wonwoo ng mailapag ang mga dala dalahan niya.


Isang make up artist si Wonwoo samantalang P.A naman si Jun ng mga sikat na artista sa Pledis entertainment na isang sikat na agency sa Korea.

"Isama mo nalang minsan dito si Mina para malibang saka miss kp na yung bata na yun." masayang sabi ni Jun, sabay himas sa hindi naman kalakihan niyang tiyan. Three months pregnant siya sa first baby nila ng boyfriend na si Minghao na official photographer sa Pledis Ent.

"Hayaan mo isasama ko yung bata, mukhang siya ang napaglilihian mo ah," natatawang sabi ni Wonwoo na sinagot lang ng ngiti ni Jun.

"Wonu pakiretouch mo naman siya," sungaw ni Minghao sa tabi nila saka itinuro ang isang modelo.

Pinaupo niya ang lalaking modelo at inayusan.

Tumabi naman si Minghao sa bf at hinalikan ang tuktok ng ulo nito saka masuyong hinimas ang tiyan ni Jun.

"Baby magpalaki ka lang dyan ah, magwowork lang si daddy at si dada mo kailangang magrest,"

"Pwede pa naman akong magwork Minghao, kaya ko pa naman" nakapout na sabi ni Jun sa boyfriend.


Lumuhod si Minghao sa harap ni Jun upang magkapantay sila saka malambing na iniharap sa kanya ang nakasimangot nitong mukha.

"Baby ko, wag na matigas ang ulo. Gusto ko pareho kayong healthy ng magiging baby natin. Saka ako ang daddy kaya dapat ako ang magtatrabaho,"

Mas lalong napasimangot si Jun sa isinagot ng kabiyak kaya naman hinalikan ng hinalikan ni Minghao ang labi nito at ilang sandali lang nakita niya ulit ang matamis nitong ngiti.

"Ayan nagsmile na rin ang baby ko mas gumaganda ka. I love you," saka nito hinalikan ulit si Jun bago tumayo dahil tapos nang ayusan ni Wonwoo ang modelo.

Hindi naman maiwasang mainggit ni Wonwoo dahil ang bestfriend niyang si Jun ay nakahanap na ng taong magmamahal sa kanya.

"Ako kaya kailan ko siya mahahanap?" napabuntong hiningang sabi ni Wonwoo sa sarili.

"Soon friend mahahanap mo rin siya." nakangiting sabi ni Jun bakas sa mukha ang kasiyahan. Kaya naman umaasa si Wonwoo na darating na ang special someone niya.

My Daughter's Dad (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon