Wonwoo POV"Baby ko andito na ang gatas mo. Oh! Wag ka nang tumayo."
Napalabi nalang ako ng pigilan ako ni Mingyu na bumaba sa kama para abutin ang gatas.
"Mingyu buntis ako hindi pilay o baldado kaya kong uminom ng gatas mag isa." reklamo ko nang akma niya akong paiinumin ng gatas.
Simula nung malaman niyang buntis ako hindi na ako nakakaapak ng sahig bukod sa pagpunta ng cr. Kailangan ko pang maggalit galitan sa kanya dahil gusto niyang buhatin ako papuntang cr. Like hello, buntis ako na natamaan ng bala hindi nabaldado.
"Wonwoo naman eh," kunwaring dabog dabog pa siya sabay tulis ng nguso. "Gusto lang naman kitang alagaan. Kayo ng magiging baby natin."
Kinilig ako sa sinabi niya. Pero itinago ko lang ang ngiti ko sa pag inom ng gatas. Napakaswerte ko at sobrang sweet at maalaga ang boyfriend ko.
"I love you po," sabi ko nalang para mawala ang pagtatampo niya. At sa wakas nakita ko ulit ang ngiti niya.
"I love you too baby ko,"
"Siya nga pala wala ka bang shooting ngayong araw?"
Nakita kong napakamot siya ng ulo at tumingin sa ibang direksyon. Sasagot na sana siya ng biglang magring ang cellphone niya. Sinagot naman niya ito at kitang kita ko ang pag aalala sa mukha niya.
"Opo CEO, pupunta na po ako ngayon. Pasensya na po may inasikaso lang po kaya nakalimutan ko yung photoshoot......Salamat po."
"Ayos lang ako Mingyu. Sige na pumunta ka na sa photoshoot mo." pagtataboy ko sa kanya dahil halata namang di niya ako kayang iwanan. "Wag kang palaging nasa tabi ko baka makasanayan ko yan ako ang masasaktan sa huli."
Wala naman akong ibig sabihin sa sinabi kong iyon pero nagulat ako sa reaksyon ni Mingyu.
"A-aray ko Mingyu hindi ako makahinga," hindi talaga ako makahinga dahil sa higpit ng yakap sa akin ni Mingyu.
"Don't say that Wonwoo. Hinding hindi kita iiwan kaya masanay ka nang nasa tabi ko." nagpipiglas ako ng marinig ko ang panginginig sa boses niya. Haluh! Joke lang naman sinabi ko seryoso naman itong kapreng ito.
"Joke lang naman Mingyu, alam ko namang di mo ako iiwan." pag aasure ko sa kanya at baka umiyak pa ito magpuffy pa ang mata niya di ba nga may photoshoot pa siya.
"Baby naman eh wag kang magsasalita ng ganyan ah." nakapout pa niyang sabi. "Basta baby wag mo akong iiwan ha,"
Pabiro kong tinampal ang braso niya saka nagsalubong ang kilay. "Parang sira, pinapupunta lang kita sa photoshoot napunta na sa pag iwan ang usapan."
"Kasi na magpramis ka sa akin. Ah basta hindi ako aalis," at nagpadyak pa ang loko.
"Sige na pramis hinding hindi kita iiwan. Hindi hindi iiwan ni Wonwoo si Mingyu kahit na kamatayan pa." then I pressed his cheeks and then kissed his temples. "Sige na alis na at pagbalik mo may surprise ako sayo."
Napangiti naman ako ng sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi niya. Nagpaalam na siyang umalis pagkatapos ng mahaba habang pakiusapan. Andami pang bilin 'kala mo naman anlayo ng pupuntahan. At dahil sa malapit na akong mairita hinila ko yung kwelyo ng damit niya para bigyan siya ng halik.
"Hmmppp,"matagal ang naging halikan namin at napansin ko ang bigla niyang paghinto kaya naman inilayo ko na ang sarili ko sa kanya.
"I love you Daddy Mingyu," masayang kaway ko sa kanya pagkalabas niya ng pintuan.
Ilang oras na siguro ang nakakalipas. Nagbabasa ako ng libro ng may kumatok sa pinto. Hindi ko alam pero kakaibang kaba ang nadama ko sa pagkatok na iyon. Wala na sana akong balak pansinin ngunit nagpatuloy ang mahihinang pagkatok na iyon. Nang mapasulyap ang tingin ko sa orasan pasado alas onse na.
Sino naman ang dadalaw ng ganitong oras?
Kabado man dahan dahan kong binuksan ang pinto at nabigla ako sa nakita kong nasa harapan ko ngayon.
"Kayo po pala, pasok po kayo?" kinakabahan kong sabi ng makita ang kakaibang ngiti sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
My Daughter's Dad (Completed)
Fanfiction" Papu kelan babalik si Papa?" "Malapit na siyang umuwi baby, nag iipon lang siya para may pasalubong siya sa baby Mina namin." "Papu, nakita ko na si Papa. May kotse siya, at sabi niya sa akin babalikan niya raw ako doon sa convenience store." T...