Pagod na pagod si Wonwoo ng makauwi siya sa kanilang bahay.
Ilang beses din niyang niretouch si Mingyu at may ilan ilan din siyang inayusan.
Although may kaba siya dahil nasa harapan niya ang isang Kim Mingyu, di naman niya maipaliwanag ang kagustuhang makita pa ito ng matagal.
"Baby Mina ko, andito na si papu," tawag niya sa anak pagkapasok niya sa bahay.
Ilang sandali pa, maliliit na padyak ang sunod niyang narinig at matinis na tinig ng kanyang anak na tumatawag ng 'papu'.
Dali dali niyang sinalubong ang anak ng yakap at halik. Hagikgik lang ang kanyang narinig sa anak.
"Papu Wonwoo, masaya ako ngayon."
"Bakit naman masaya ang baby ko?"
"Papu nakita ko na po si Papa, nandito na siya."
Agad namang nawala ang ngiti sa mukha ni Wonwoo ng marinig ang sinabi ng anak.
"Papu nagpramis si Papa na pupuntahan niya ulit ako sa convenience store dyan sa labasan. Saka Kim Mingyu pala ang pangalan ng papa ko sabi niya sa akin"
Tumango tango lang si Wonwoo pero sa loob loob niya kinakabahan na siya. Paano kung makita ni Mina ang 'papa' niya. Tiyak malaking gulo iyon dahil isa palang artista ang lalaki.
"Papu bakit nga pala hindi mo alam yung pangalan ni papa. Tinanong ko pa tuloy sa kanya kanina." nakanguso nitong tanong sa kanya.
Natameme si Wonwoo sa tinanong ng anak. Wala siyang maisasagot dahil hindi niya naman talaga kilala ang lalaking iyon. Isang beses nga lang silang nagkita. Upang makaiwas sa tanong ng anak. Inaya na niya itong kumain. Hindi naman tumutol ang bata at agad itong sumama sa kanya habang masayang nagkukwento tungkol sa kanyang ama.
BINABASA MO ANG
My Daughter's Dad (Completed)
Fanfiction" Papu kelan babalik si Papa?" "Malapit na siyang umuwi baby, nag iipon lang siya para may pasalubong siya sa baby Mina namin." "Papu, nakita ko na si Papa. May kotse siya, at sabi niya sa akin babalikan niya raw ako doon sa convenience store." T...