Chapter 16

1.2K 66 18
                                    

Mingyu POV

"Papa nainis yata si papu sa ginawa natin sa kanya,"

Masuyo kong hinaplos ang buhok niya bago sumagot. "Hindi yan baby, pinakikilig lang ni papa Mingyu si papu Wonwoo. Remember liligawan ko si papu Wonwoo mo at tutulungan mo ako,"

"Oo naman papa, si Mina ang bahala para maging kayo na ulit ni papu,"

Sinundan ko ng tingin si Wonwoo habang kausap si Jun.

Hindi ko siya masisisi kung iniisip niyang niloloko ko lamang siya. Nakita niya kung paano akong umiyak nung mga panahong durog na durog na ako dahil sa pagmamahal.

Siguro nga hindi ko pa nakakalimutam si Minghao at ang pagmamahal ko sa kanya.

But I know sooner I can heal. And im willing to do it with Wonwoo.

Nagpaalam muna ako saglit kay Mina na ngayon ay busy sa paglalaro ng doll house na binili ko kahapon lang.

"Why are you here Aile?"

Naringgan ko na lamang si Wonwoo na kausap si Aile sunbaenim. At dahil fan ako ni Aile, kinapalan ko na ang mukha ko at lumapit na ako sa kanila. Yumuko ako bilang pagbati.

"Hello Mingyu shi," magiliw naman nitong sagot.

Napansin ko naman ang pagkaseryoso ni Wonwoo habang nakatingin kay Aile.

At dahil isa akong malanding nilalang. Walang pasabing binack hug ko si Wonwoo sabay halik sa kanyang pisngi.

"Mingyu nakakahiya," namumulang saway niya sa akin. Nahihiya din naman ako lalo na at kaharap ko si Aile sunbaenim. Pero andito na ito.

"Ehem, excuse muna ako ah. Baka nakakaistorbo ako sa lambingan ninyo," kalmadong sabi ni Aile sunbaenim at dali daling lumabas.

"Ano ba Mingyu, ang landi landi mo," nahihiyang saway sa akin ni Wonwoo.

"Hindi naman ako ganito baby Wonwoo ko,"

"Stop calling me that. Im not your baby."

"Oh yes you are. Di pa ba malinaw sayo ang sinabi ko kahapon. Liligawan kita at magiging ama ni Mina."

Napatahimik siya at napansin kong naiiyak na siya ngunit pinipigilan niya lang. Alam ko naman kung bakit siya umiiyak. Kaya naman binackhug ko ulit siya at ibinaon ang mukha ko sa balikat niya.

"Just wait for me Wonwoo. Antayin mo akong makalimutan ang sakit. Dahil once na makamove on na ako, susuklian ko ng pagmamahal ang paghihintay mo,"

Ramdam kong nakikinig lamang siya kaya naman nagpatuloy lang ako.

"For now hayaan mo munang landiin kita.... Baby ko,"


Angel's Note

Sobra na bang naging malandi si Mingyu? Kung ako nasa lugar ni Wonwoo baka maghyperventilate na ako.

Niwey, thanks sa votes and sa nagcocomment. Love you mga co meanie shippers.

Special mention kay @EXOhohoho OMO! Thank you for reading this story. Super like ko yung story ninyong love lust and love lies, its an honor for me na binabasa ninyo itong story na ito.

To my co Meanie shippers na nagbabasa nito, thank you sooooo much and love youuuuuuu. 😆😆😆😆😆

My Daughter's Dad (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon