Chapter 11

1.4K 63 0
                                    

Wonwoo POV

Andito ako ngayon sa ospital kung saan dinala si Minghao. Dumiretso na ako dito matapos magising si Mingyu at nag aya ng bumaba ng rooftop.

Everything felt awkward ng magising si Mingyu. Hindi ako makatingin sa kanya dahil:

Flashback

Naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap ni Mingyu sa bewang ko ng tangkain kong ihiwalay ang sarili sa kanya.

"Uhmmm, please don't go," napangiti nalang ako ng idikit niya ang pisngi niya sa dibdib ko. Hindi ko napigilang pisilin ng mahina ang ilong niya hanggang sa mapatigil ako ng mapatingin sa kanyang mapupulang labi na bahagyang nakaawang.

Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at nilapit ko ang labi ko sa labi niya. Kaunti nalang ang pagitan namin at ramdam ko na rin ang kanyang paghinga.

"Tulog pa naman siguro siya," at idinikit ko ang labi ko sa labi niya. Umabot din ng ilang segundo ang halik na iyon. Matatangay na sana ako ng mapansin kong gumagalaw na ang talukap ng mga mata niya. Kaya naman dali dali akong humiwalay at nagpanggap na natutulog.

Ilang sandali lang naramdaman ko ang pagbangon niya. Nakakailang dahil ramdam ko ang mga tingin niya sa akin.

"Gising na, malamig na dito,"

Nag inat ako kunwari upang mapaniwala ko siya na natutulog lang din ako kanina. Nang makabangon na ako walang sabi sabing iniwanan na ako at naunang bumaba sa rooftop.

Ako naman ay sinundan lamang siya ng tingin habang nakahawak sa aking labi.

"Hoy Wonu ano bang meron dyan sa labi mo makati ba?"

Napabalikwas ako ng marinig ang boses ni Junhui at makita ang nagdududang tingin niya sa akin. Kaya naman dali dali kong tinanggal ang kamay ko na nasa labi ko pa rin.

"W-wala may iniisip lang," kaila ko. "Kamusta ka naman Minghao?"

"Ayos naman ako Wonwoo. Salamat nga pala sa tulong mo at..." tila ba nag alangan siyang ituloy ang kanyang sasabihin.

"Si Mingyu? Umuwi na siguro yun," sagot ko sa naputol niyang tanong.

"Okay na ba siya?" nahihiya nitong tanong.

"Sa tingin ko Minghao di siya okay at matatagalan bago siya maging okay. Masyadong malalim ang sugat sa puso niya. Di ko alam kung ano ang nangyari sa inyo at ayokong makialam pero ito lang masasabi ko. Hayaan mo muna siyang magpaggaling ng sugat niya."

Napabuntonghininga nalang si Minghao ng marinig ang sinabi ko. Tahimik lang na nakikinig si Junhui, walang balak na makialam.

Isang mahabang katahimikan ang namayani sa kwartong iyon kaya naman nagpaalam na akong aalis dahil naalala kong wala nga palang kasama ang anak ko sa bahay.

Note:

Sorry kung lame ang update. 🙁🙁🙁




My Daughter's Dad (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon