Chapter 52

850 26 2
                                    

Mingyu POV

Nagmamadali akong tumakbo pabalik sa condo nagbabakasakaling maabutan ko si Wonwoo. Sobrang takot ang nadama ko ng marinig ang pag iyak ni Junhui at ang sinabi niya.

"Mingyu. You better stop Wonwoo. Kinidnap si Mina at tumawag ang kidnapper. Kailangan ni Wonwoo na pumunta mag isa sa hideout nung mga kidnappers na iyon. You know his condition buntis siya. I tried to stop him pero pinatayan niya lang ako ng tawag."

Tinawagan ko muna si Minghao at sinabing tutulong sa paghahanap kay Mina. Malakas ang kutob naming si CEO ang gumawa na iyon at lalo pa iyong tumibay ng sabihin ni Aile na ilang araw nang hindi nagpaparamdam sa kanya si CEO.

Please kailangan kong maabutan si Wonwoo. Piping dasal ko habang tumatakbo. Nanlumo ako ng walang Wonwoo na sumalubong sa akin, sa halip isang sulat na may nakalagay na pangalan ko ang naabutan ko. Hindi ko muna iyon binasa sa halip nilagay ko lang sa bulsa ko at dali daling tumakbo papunta ng kotse ko upang pumunta kila Minghao.

-----

3rd POV

Samantala naririto na si Wonwoo sa madilim na bahagi ng hideout na sinabi ng kidnapper. Nakaramdam na siya ng sakit ng tiyan ngunit ipinagpatuloy pa rin niya ang paglalakad papasok upang makita na ang anak. Hindi pa man siya nakakapasok dinig na niya ang malakas na pag iyak ng anak. Inayos niya ang shield na inilagay niya sa kanyang tiyan sakaling saktan siya ng mga kidnappers. Ayaw naman niyang madamay ang anak nila ni Mingyu pero kailangan niya lang iligtas ang anak.

Nang makapasok siya ng tuluyan. Madilim ang paligid maliban sa kinalalagyan nang anak niya kung saan may ilaw na nakatapat dito. Nakatali ang kamay at paa nito, may piring ang mga mata at may busal ang bibig, ganunpaman dinig pa rin niya ang tinig nito.

"Papu Wonwoo, Papa Mingyu help me po natatakot na ako." yan ang pagkakaintindi niya sa sinasabi ng anak kahit pa may busal ang bibig nito. Impit siyang napaiyak ng makita ang lagay nito. Dahan dahan siyang lumapit habang nakapokus ang pansin sa anak. Kaya naman hindi niya nakita ang taong nasa likuran niya. Huli na ang lahat ng madama niya ang presensya nito dahil nahampas na ang kanyang ulo dahilan upang mawalan siya ng malay.

----

Dilim. Iyon ang bumungad sa kanya ng magmulat ng mata. Masakit din ang ulo niya at nang maalala ang mga nangyari. Agad agad siyang tumayo subalit napigil siya dahil nakatali pala ang kanyang kamay sa upuan at nakapulupot ang tali sa bandang dibdib niya sa halip na sa kanyang tiyan.

Mabuti naman at may kaunting awa sila sa puso. Mahina niyang usal dahil hindi inipit ang kanyang tiyan.

Baby, kapit ka lang kay papu ha. Ililigtas lang natin si Ate Mina mo.

Nang walang ano ano ay nasilaw ang aking mga mata sa liwanag ng paligid. At doon nakita ko ang taong ni sa hinagap hindi ko inakalang gagawa ng kasamaang ito.

"S-soonyoung? Ba-bakit?"

Hindi siya nakatingin sa akin. Pansin ko din ang pag ilap ng mga mata niya at tila may hinahanap sa kanyang paligid.

"So? Magkakilala pala kayo nitong si Soonyoung?" mas nabigla ako sa taong nakita ko na ngayon ay nakangisi sa harapan ko.

"C-CEO? Anong kasalanan namin ni Mina? Bakit mo ginagawa sa amin ito?" naguguluhan at puno ng takot kong tanong sa kanya.

Sarkastiko siyang tumawa bago pisilin ang pisngi ko, kaya naman napaaray ako.

"Ang laki ng atraso mo sa akin. Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit hindi ko makuha ng buo ang pag ibig ni Aile. Yung anak mo ang dahilan kung bakit lumalayo sa akin si Aile at kayo rin ang dahilan kung bakit mawawala ang source of income ko na si Mingyu. Isa kang malaking malas sa buhay ko." marahas niyang binitawan ang pisngi ko. Ramdam ko na rin ang hapdi ng pisngi ko.

"At dahil dyan kailangan mong mamatay. Kayong dalawa ng anak mo. Sige Soonyoung kalagan mo yan."

Puno ng takot ang nararamdaman ko. Habang nakatalikod si CEO lumapit si Soonyoung sa akin.

"Im here to help you. Andito na si Mingyu so be careful with your action." Nawala ang kaba ko ng ibulong ni Soonyoung iyon habang kinakalagan niya ako.

Nang inguso niya ang isang madilim.na bahagi ng bodega, doon ko napansin ang pares ng mga mata ni Mingyu na nakatingin sa akin ng may pag aalala.

"A-ang a-anak ko? Nasaan na siya?" lakas loob kong tanong dahilan para mapatingin si CEO na may hawak na baril sa akin.

'Ayun oh." nguso niya sa kabilang side  at doon nakita niya ang anak na nakatayo at nakatali ang magkabilang kamay sa magkabilang dulo ng isang kahoy, umiiyak itong nakatingin sa kanya. "Maganda sigurong siya ang unahin ko." saka nito iniumang ang baril.

Sa isang iglap nagpapambuno na si CEO at si Soonyoung na pilit inilalayo ang dulo ng baril kay Mina. Iyak naman ng iyak ang bata sa nasasaksihan sa mga oras na iyon.

"Traydor ka," sa huli naitulak ni CEO ang namumutla nang si Soonyoung at ito naman ang tinutukan niya ng baril. "Ang ayoko sa lahat ay ang traydor kaya ikaw muna ang tatapusin ko."

BANG!!!!!!

Gulat ang rumehistro sa mukha ni CEO kasabay niyon ang pagtingin niya sa kanyang tiyan na tinamaan ng bala mula sa baril na hawak ni Mingyu. Dali dali siyang lumapit sa asawa at inalalayan itong tumayo papunta sa anak nilang si Mina. Umiiyak pa rin ang bata hanggang sa makalagan na nila ito.

"Dont be scared my princess, papu is here na," Mingyu hushed to her daughter as he hug her tight. Niyakap niya rin ng mahigpit si Wonwoo habang hinahalik halikan ang buhok nito. "Baby you scared me, dapat hindi mo pinuntahan mag isa si CEO."

Wonwoo was about to answer but he saw how CEO grab the gun and aimed it to Mingyu's back. Without hesitation he pushed Mingyu and Mina on the other direction.

BANG! BANG!

"WONWOOOOOOOO!!!!!!"

Blood started to blurt out his mouth he can no longer speak and just looking at Mingyu full of different emotions. His vision started to blury and all he can hear was Mingyu's voice, Soonyoung calling his name and Mina crying.

My Daughter's Dad (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon