Mingyu's POV
Napabalikwas ako ng bangon ng may silaw ng araw na tumama sa mukha ko.
"Arghhhh," ang sakit ng ulo ko dahil sa alak na nainom ko kagabi. Dumiretso ako agad sa bar, uminom hanggang sa hindi ko na kayanin.
"Mabuti naman at nagising ka na. You looked wasted last night,"
Hindi ko na lang inintindi ang sinabi ni Manager Hong na kasalukuyang nakaupo malapit sa bintana at nagbabasa ng dyaryo. Tumayo nalang ako at nagtungo sa banyo upang maligo.
"Kailangan ng matuloy ngayon ang photoshoot na na cancel kahapon," pahabol pa niya bago ako tuluyang makapasok sa banyo.
I stared at the mirror as tears started to flow in my eyes.
Love makes me vulnerable.
-----
I tried my very best to be professional in front of Minghao while doing the photoshoot.
I flashed my happiest smile, para hindi nila makita na nasasaktan ako. Tama na ang pagmumukhang mahina. Lalaki ako, kailangan kong maging matatag.
Suddenly I remember one advice:
“If you need someone to talk to. You can talk to me. Di kita huhusgahan makikinig ako para mabawasan ang sakit dahil kahit kelan hindi iyan mawawala,”
Napatingin ako ng makita yung lalaki kahapon na nagbigay ng comfort sa akin.
Teka nga, ano nga ulit pangalan niya? Wonie? Wowon?
"Wonwoo shi, pakiretouch mo si Mingyu," napatingin ako sa staff na tumawag sa kanya.
Ahhhh, oo nga Wonwoo pangalan niya. Diretso lang akong nakatingin sa kanya na ngayon ay papalapit na sa akin.
Wonwoo POV
Kanina pa ako naiilang dito kay Mingyu. Papalapit palang ako sa kanya panay na ang tingin niya sa akin.
Wala naman siyang natatandaan doon sa kiss di ba?
Nang mapatingin ako sa kanya. Diretsong lumanding yung mga mata ko sa mapupula niyang labi na hindi sinasadyang nahalikan ko.
Stop it Wonwoo ang landi mo.
Muntik na akong mapasigaw ng biglang hawakan ni Mingyu ang kamay ko.
"Sorry kung nabigla kita, matutumba ka na kasi eh"
Narealize ko ang ayos namin. Nakaupo ako sa lap niya habang yung kaninang nakahawak niyang kamay ngayon ay nakapulupot na sa bewang ko. At ang mukha niya, ang lapit lapit sa tenga ko na bumubulong.
Bigla naman akong napatayo kasabay nun ang pagtawag sa akin ni Minghao.
Mag eexcuse sana ako kay Mingyu ngunit may kausap na siya sa cellphone.
At bigla akong nainis ng makita kong tila masaya siya sa kanyang kausap sa kabilang linya.
3rd POV
Agad namang sinagot ni Mingyu ang cellphone niya kahit na unregistered ang number na nakaflash.
Pagkatapos niyang mag hello ay napangiti siya ng marinig ang cute na boses ni Mina.
"Hello baby girl. How are you today?"
"Mag isa lang po ako dito sa house namin kasi nag work na naman si papu. Magkikita po ba tayo sa convenience store ulit?"
He sighed before answering her question.
"Baby may work kasi si Papa ngayon, kaya hindi ako makakapunta dyan sa meeting place natin."
"Ganun po ba?" Mingyu can feel the sadness on the childs voice. He sighed again. He cant resists her. So he come up with a decision.
"Okay baby wait mo lang si papa dyan sa convenience store. I'll be there at 20 minutes pero saglit lang tayong mag uusap kasi babalik agad ako sa work."
He heard the scream on the other line. He cant control the smile to crept on his face. Then he notice Wonwoo is looking at him, then he goes outside.
" See you papa. I love you po. Mwahhhhh."
He laughed then mouthed I love you too before he end the call.
Pagbaba niya ng phone. Nakatayo si Wonwoo sa harapan niya, looking at him.
"Ako na ba ang susunod na isasalang sa photoshoot?" tanong niya dito.
"Madedelay daw po ng isang oras since may kailangan pang ayusin si Minghao,"
Napatango nalang si Mingyu saka tumayo at nagpaalam na lalabas muna.
BINABASA MO ANG
My Daughter's Dad (Completed)
Fanfiction" Papu kelan babalik si Papa?" "Malapit na siyang umuwi baby, nag iipon lang siya para may pasalubong siya sa baby Mina namin." "Papu, nakita ko na si Papa. May kotse siya, at sabi niya sa akin babalikan niya raw ako doon sa convenience store." T...