3rd POV
"Papu, pupuntahan na ba natin si Papa Mingyu?"
"Hindi pa baby, si 'nang 'nang Jun ang dadalawin natin."
Tahimik na tumanaw si Mina sa bintana ng bus na sinasakyan nila ng kanyang ama habang may subo subong lollipop. Si Wonwoo naman ay abalang inaayos ang mga gamit nilang mag ama.
Maya maya pa ay bigla nalang huminto ang bus na sinasakyan nila at napansin ang nagkukumpulang tao sa gitna ng kalsada.
"Bakit andaming tao doon?"
"May naaksidente yata."
"May shooting daw,"
Nakitingin na din si Wonwoo mula sa bintana ng bus upang makiusyoso kaya naman naririnig niya ang mga sinasabi ng mga katabi niyang umuusyoso din.
"Sino naman ang nagshoshooting?"
"Yung Kim Mingyu ba yun. Ayun ata."
Kumabog ang dibdib ni Wonwoo ng marinig ang pangalan ng taong matagal na rin niyang hindi nakikita.
At dahil nga nakahinto ang bus at nakiusyoso rin siya, hindi niya napansing nakababa na pala ang kanyang anak na si Mina. Napansin niya lang na nawawala ang anak ng humupa na ang mga tao.
"M-Mina, anak nasaan ka?"
Nataranta na si Wonwoo ng hindi marinig na sumagot ang anak. Kaya naman dali dali siyang bumaba ng bus at nakihalo sa kumpulan ng mga tao. Di naman nagtagal nakita niya ang anak na nakaupo sa hita ni Mingyu habang bakas sa mukha nito ang tuwa.
Napansin naman siya ni Mina kaya dali dali itong bumaba sa pagkakaupo at hinila siya papalapit kay Mingyu.
"M-Mingyu," halo halo na ang emosyon ni Wonwoo ng sabihin niya ang pangalan nito.
"You're here Wonwoo hyung,"
Labis na nasaktan si Wonwoo ng sabihin ni Mingyu ang pangalan niya sa malamig na tinig. Hindi katulad noon na punong puno ng lambing at kung mayroon pang "baby".
Magsasalita pa sana siya ngunit hindi natuloy ng lumapit ang babaeng pamilyar sa kanya at agad itong sinunggaban ni Mingyu at hinalikan.
"Tzuyu babe why are you late?" malambing na sabi ni Mingyu saka hinawi ang hibla ng buhok na tumakip sa mukha niya.
Hindi na kinaya ni Wonwoo ang nakikitang eksena kaya naman kinarga na niya ang anak at dali dali silang umalis......palayo sa lalaking sobra niyang minahal pero patuloy pa rin siyang sinasaktan.
BINABASA MO ANG
My Daughter's Dad (Completed)
Fanfiction" Papu kelan babalik si Papa?" "Malapit na siyang umuwi baby, nag iipon lang siya para may pasalubong siya sa baby Mina namin." "Papu, nakita ko na si Papa. May kotse siya, at sabi niya sa akin babalikan niya raw ako doon sa convenience store." T...