Chapter 38

875 40 9
                                    

3rd POV

"Pakisabi nalang kay Wonwoo nauna na ako," naiilang na paalam ni Mingyu kay Junhui na kasalukuyang naghahanda ng merienda.

"Uminom ka muna ng juice," agad na iniabot ni Jun ang baso ng orange juice. Agad namang ininom ito ni Mingyu at saka agad na tumayo.

"Salamat sa meryenda. Pasensya na may appointment pa kasi ako," nagmamadaling lumabas si Mingyu sa pinto ng bahay. Di na siya pinigilan ni Jun.

Nasasaktan pa rin si Mingyu sa nakita niya kanina lang. It may sound childish dahil di man lang niya hinayaang nagpaliwanag si Wonwoo. Siguro hindi pa ito ang tamang oras para mag usap sila.

And of all people, bakit kay Minghao pa? Alam ba iyon ni Jun? Bakit niya nagagawa iyon kay Jun?

"M-mingyu?"

Napaangat ng tingin si Mingyu at nandun si Wonwoo sa harap niya habang nakasunod naman sa likod nito si Minghao.

Hindi na siya nakapagpigil agad niyang hinaklit ang kwelyo ng damit ni Minghao at walang sabi sabi na sinuntok ito sa mukha.

Tuloy tuloy niyang sinusuntok si Minghao na hindi man lang lumalaban. Naririnig niya ang pagsigaw ni Wonwoo ngunit wala na siyang pakialam. Nagtimpi siya nung sinaktan nito ang puso niya. Pati ba naman ngayong masaya na siya sa piling ni Wonwoo aagawin pa rin niya.

"Please Mingyu tama na yan,"

Nabitin sa ere ang kaliwang kamay niya ng maramdaman ang pagyakap ni Wonwoo sa likod niya. Dinig rin niya ang paghikbi nito.

"Im sorry Mingyu kung hinayaan kong mangyari yung kanina."

Nanatili lang tahimik si Mingyu, itinigil na rin niya ang pagsuntok kay Minghao.

"How could you do this Minghao?" seryosong sabi ni Mingyu habang nakaduro sa ngayo'y nakalupaypay na si Minghao. "Alam mo kung gaano ako nasaktan ng durugin mo ang puso ko, nang hindi mo sinuklian ang pagmamahal ko. I do everything para makalimutan ka. And now nakahanap na ako ng taong magmamahal sa akin hanggang ngayon ba naman aagawin mo? Ano bang nagawa ko Minghao para paulit ulit mo akong saktan? Napaiyak nalang si Mingyu habang sinasabi ang mga salitang iyon.

Si Wonwoo naman na nakayakap pa rin kay Mingyu ay nagulat sa mga narinig. Hindi niya inakalang si Minghao pala ang nakasakit sa puso ni Mingyu.

"Kasalanan ba Minghao na minahal kita? Kasi kung oo sorry di ko lang napigil ito." marahas nitong pinukpok ang dibdib. "Ngunit nagmamakaawa ako sayo, huwag namang pati si Wonwoo kukunin mo. Mahal ko siya, mahal na mahal."

"Mingyu...."

"Ngunit kung ikaw ang magpapasaya kay Wonwoo- sige ipapaubaya ko siya sayo. Ang hiling ko lang wag mo siyang sasaktan gaya ng ginawa mo noon sa akin."

Napaiyak lalo si Wonwoo nang marinig ang sinabi ni Mingyu. Isinubsob niya ang mukha sa likod ni Mingyu habang nakayakap pa rin. Napalabas naman si Jun ng marinig ang sigawan at nagitla ng makitang nakalupaypay at puno ng dugo ang mukha ni Minghao.

"T-teka a-anong nangyayari?" takang tanong ni Jun na hangos na lumapit sa asawa. "Mingyu? Ikaw ba ang gumawa nito?"

Walang umimik sa tanong ni Jun. Walang nais magsalita sa bawat isa. Ngunit maya maya lang pumailanlang ang malakas na sigaw ni Minghao.

"DAPA!!!!!" saka niya niyakap ang asawa at agad agad pinayuko.

Samantala nang makita ni Wonwoo ang mga kahina hinalang tao na may dalang baril at nakatutok sa direksyon nila agad niyang itinulak si Mingyu na kasalukuyang nakadapa.

Nakaramdam ng sakit sa bandang tiyan si Wonwoo ng matapos ang pagputok ng baril. Narinig pa niya ang tinig ni Mingyu na tinatawag ang pangalan niya habang yakap yakap siya ng mahigpit. Kaya kahit nahihirapan pinilit pa rin niyang magsalita.

"M-mingyu....." taranta namang tumingin sa kanya si Mingyu habang hawak hawak ang kanyang pisngi.

"Yes baby? Kumapit ka lang ah dadalhin ka namin sa ospital."

Hinawakan ng mahigpit ni Wonwoo ang kamay ni Mingyu na nasa pisngi niya at inilapit ito sa labi nito at dahan dahang hinalikan.

"Baby wag ka nang kumilos parating na ang ambulansya. Jun bilisan nyong tumawag ng ambulansya." umiiyak nitong sabi. Si Jun at Minghao naman ay nagmamadaling pumunta palapit kina Mingyu.

"M-mingyu.....I.....l-love.....you....."

Napaiyak naman si Mingyu dahil nagawa pang sabihin iyon ni Wonwoo kahit na nahihirapan na ito.

"WONWOO BABY NOOOOO!!!!!"

At tuluyan nang nagdilim ang paningin ni Wonwoo habang unti unti naglalaho sa kanyang pandinig ang tinig ni Mingyu.


Angel's Note 😇😇😇😇😇😇

Hello mga bebe ko. Pasensya na kung pauta uta ung pag update ko ah. Nakikisagap lang po kasi ako ng net sa school at di ko naman magagamit ang phone ko sa oras ng klase. Kaya ginagawa ko tuwing uuwi ako dun palang ako sumusulat ng drafts. Ayaw ko namang mabitin kayo sa pagbabasa kasi ramdam ko yan bilang isang reader din.

Btw, thank you ulit sa mga nagcocomment, nagvovote at nagdadagdag ng story ko sa reading lists nila. Love ko kayo. Mwahhh mwahhh. 😘😘😘😘😘

My Daughter's Dad (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon