"Na cancel ung photoshoot mo for One Magazine tomorrow dahil nagkasakit ung photographer. So they will reschedule it maybe next week."
Tahimik lang na nakikinig si Mingyu sa sinasabi ng kanyang Manager Hong. Sobrang pagod siya nitong mga nakaraang linggo dahil sa sunod sunod na schedules, photoshoot, fansigns, meeting, recordings at shooting.Hindi nga maikakailang sa edad na 21 ay maituturing na siyang sikat na artista sa bansa. Nakapagbuild na siya ng foundation sa industriya.
Bagamat nagpapasalamat sa mga natamong biyaya, hindi niya maiwasang makaramdam ng pagod dahil sa napakahectic niyang schedule bilang isang artista. Nasasakal na rin siya dahil kailangan niyang magpanggap sa harap ng marami niyang tagahanga.
"Ang tahimik mo yata Mingyu," sa wakas napansin din ng kanyang manager na si Joshua Hong ang kanyang pananahimik.
"Wala ito Hyung," kaila niya.
"Napagod lang siguro ako sa mga schedules."
Mataman muna siyang tinitigan ni Joshua bago magsalita.
"Dahil ba sa pamimilit ni CEO na ligawan mo si Tzuyu?"
Nang marinig iyon. Otomatikong umasim ang mukha niya. Iyon ang isa sa mga bagay na ikinaiinis ni Mingyu.
Dahil nga sa itsura niya at success sa career, maraming nagtataka kung bakit wala pa rin siyang karelasyon.
Wala man lang nalilink sa kanyang babae at dahil doon maraming isyu ang naglalabasan na siya daw ay isang bakla.
Wala naman siyang pakialam doon. Subalit nababahala ang kanilang CEO dahil maaari daw makaapekto ito sa maganda niyang career. Kaya naman ipinagtutulakan siyang ligawan si Tzuyu na myembro ng isang sikat na girl group sa bansa.
Magandang opportunity daw ito dahil kamakailan lang ay umamin sa isang tv show ang babae na may gusto ito sa kanya.
"Ayaw kong pag usapan iyon Hyung," Napabuntonghininga nalang si Manager Hong ng pumikit na si Mingyu, halatang umiiwas.
BINABASA MO ANG
My Daughter's Dad (Completed)
Fanfiction" Papu kelan babalik si Papa?" "Malapit na siyang umuwi baby, nag iipon lang siya para may pasalubong siya sa baby Mina namin." "Papu, nakita ko na si Papa. May kotse siya, at sabi niya sa akin babalikan niya raw ako doon sa convenience store." T...