Chapter 21

1.2K 53 1
                                    

Mingyu POV

"Anong katarantaduhan ang pinaggagagawa mo Mingyu,"

I flinched upon hearing CEO cussed. But I still answered politely. Besides its my fault.

"Im sorry CEO its all my fault,"

Si Manager Hong naman na nasa tabi ko ay tahimik lang na na nakikinig.

"Okay," he breathed deeply. "We need to clean this issue. Manager Hong said Tzuyu is with you,"

Nakikinig lang si Mingyu ngunit napapahigpit ang hawak niya sa cellphone dahil alam na niya ang sunod na sasabihin nito. Ipupush na naman sila nito ni Tzuyu.

"Ilihis natin ang isyu sa bata na iyon. Hindi naman nila nakita kung sino yung nanay nun di ba?"

Siguro naman hindi nila nakita si Wonwoo?

"Pretend na yung batang iyon ay kamag anak mo and he used to call you papa. Tutal andyan naman si Tzuyu palabasin mong sinamahan ka lang niya sa ospital. Pretend you were dating."

"Pero CEO!"

"Punyeta Mingyu, di ko matatanggap na masisira lang ang pangalang pinaghirapan nating buuin dahil sa kabaliwan mo. At isa pa madadamay ang bata sa isyu mo. Gusto mo bang mangyari iyon?"

Napahinga nalang ako ng malalim. May point si CEO, hindi dapat ako nagpapadala sa damdamin ko. Isa akong artista na sinusundan ng mga tao ang bawat kilos.

Hindi ko hahayaang madamay si Wonwoo at si Mina.

"Yes CEO naiintindihan ko po,"

Wonwoo POV

Pagkatapos naming mag usap ni Tzuyu naging awkward na ang atmosphere. Kaya naman lumapit nalang ako kay Mina at nakinood sa kanya.

Ilang sandali lang pumasok si Mingyu, mas malapit kami sa pinto ngunit dire diretso siyang lumapit kay Tzuyu at may ibinulong siya dito.

Nakakainis.....

Napa 'hmmmpph' nalang ako saka ibinalik ang tingin sa panonood sa cellphone ni Mina.

Hindi ako tumingin kahit na narinig kong bumukas ang pinto, tanda na may lumabas ng kwarto.

Agad namang lumapit si Mingyu sa amin ngunit bumulong siya kay Mina. Maya maya pa lumabas na rin ito dala dala pa rin ang cellphone.

Tahimik lang kaming dalawa sa kwartong iyon. Ako, nakayuko dahil ayaw ko siyang makita. Pero naiilang ako dahil ramdam ko ang tingin niya sa akin.

"Wonwoo~"

Nabigla ako ng iback hug niya ako. Sinandal niya ang baba niya sa balikat ko sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa beywang ko.

"Im sorry," at bigla na siyang umiyak habang nakayakap pa rin sa akin.

Hindi ko naman alam ang gagawin kaya inantay ko lang siyang magsalita. Tinatapik tapik ko naman ang ulo niya para iparamdam na nakikinig lang ako.

"Kasalanan ko, maiisyu si Mina sa mga tao. Sana nag isip ako bago ko siya tawagin. Alam kong di mo gustong maging masama ang tingin ng tao sa kanya. Ayokong masaktan yung baby natin."

Naguilty naman ako ng marinig ang dahilan ng pag iyak ni Mingyu. Ako nga dapat ang mag sorry sa kanya dahil masisira ang pangalan niya dahil sa kasinungaling ginawa ko. Pero siya ang umiiyak.

Mingyu huwag ka namang ganyan, baka mafall na ako......

"Mingyu-yah" malambing kong tawag saka masuyong inalis ang kamay niya sa beywang ko at humarap ako sa kanya.

"Di mo kailangang mag sorry, di mo naman kasalanan eh. Ako nga dapat ang magsorry dahil sa akin kaya ka naiisyu ngayon."

"K-kasi....k-kasi...." di na niya matuloy ang sinasabi niya dahil napaiyak na naman siya at yumuko.

Inilagay ko sa magkabilang pisngi niya ang mga kamay ko saka pinaharap sa akin. Punong puno ng luha ang mga mata niya. Akala mo sobrang kinawawa.

Ang kyutt kyutt naman.....

"Ang iyakin naman ng baby ko," asar ko sa kanya. Napairap siya sa sinabi ko kaya natawa ako ng malakas.

"Ang lakas ng loob mong tawagin akong baby eh ikaw nga mas iyakin sa ating dalawa."

Dali dali niyang pinunasan ang kanyang mga luha at napanguso dahil sa mga sinasabi ko.

"Aalis na ako," nakasimangot pa rin ang mukha niya.

Naku nagtampo ang mama'..

Agad ko siyang sinundan at ako naman ang nagback hug sa kanya. Dahil matangkad siya. Sinandal ko ang mukha ko sa malapad niyang likod.

"Huwag ka nang magtampo. Ayaw ko lang kasing makita kang umiiyak,"

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay kong nakayakap sa beywang niya, bago sabihin ang mga salitang nagpamula sa mukha ko.

"Ipinapakita ko lang ang weak side ko sa taong mahal ko. Mahal kasi kita kaya panatag akong makita mo ang mga kahinaan ko, baby ko."





Angel's Note.

Narealize kong ginawa ko nang crying baby si Mingyu. Nakukyutan lang kasi ako sa side niyang ito. Sa mga video kasing napapanood ko about meanie feeling ko iiyak lagi si Mingyu kapag nirereject ni Wonwoo. But Wonwoo still look for Mingyu ang kyuttt lang di ba?

Matagal akong di nakapag update dahil sa sobrang busy sa school.

Btw thank you sa mga matiyagang nag aantay ng updates at nagvovote na rin. Mahal ko kayo. Pero mahal natin ang Meanie. Kaso mahal nila ang isat isa. 😆😆😆😆😆😆😆😆😆😆

My Daughter's Dad (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon