Wonwoo POV
Bakit nga ba ako umalis ng hospital ng makita kong nakayakap si Mingyu sa isang babae.
Baka nagseselos ka doiiiii.....
"HINDE AKO NAGSESELOS!!!!!!!!!"
Napatingin sa akin lahat ng tao sa paligid ng ospital na ito pati na rin si Mina.
"Papu what's wrong?"
Kinalma ko muna ang utak ko bago sumagot sa anak ko.
"Nothing baby, pagod lang si papu,"
"Bakit po hindi tayo pumasok sa loob ng room ni Papa Mingyu,"
Nanggigigil na naman ako ng maalala ang eksenang nakita ko kanina lang.
"Busy ang papa mo sa ibang bagay, kaya dapat tayong umalis,"
"Pero papu gusto kong makita si papa,"
"Huwag mu-"
"Papa Mingyu,"
"Baby Mina,"
Napasimangot ako ng makita ang pagmumukha ni Mingyu. Naaalala ko na naman yung yakapan scene na nakita ko kanina.
Ngunit nawala iyon ng marealize ko ang sitwasyon.
Dahil.....
Andaming tao na nakatingin ngayon kay Mingyu at Mina.
OMG! Sinigaw ba ni Mina na papa niya si Mingyu. Masisira ang pangalan ni Mingyu.
"Di ba si Kim Mingyu iyan, yung sikat na artista."
"Oo nga. Kaya pala walang nalilink sa kanya dahil may anak na siya."
"Nasaan naman kaya ang mama ng bata na iyan?"
"Ang swerte naman, Mingyu oppa yan."
Nang marinig iyon ni Mingyu agad na rin itong kumilos. Dali dali niyang binuhat si Mina at tinakpan ang mukha dahil may mga nagtatangka nang kumuha ng pictures.
Sumunod nalang ako sa kanyang tumakbo pabalik sa kwarto nito.
Nagtakbuhan naman ang mga tao pasunod sa amin. Mabuti nalang at naharangan ito ng mga guards.
"Are you okay baby Mina?"
Natouch naman ako ng makita ang nag aalalang mukha ni Mingyu kay Mina. Yung inis na nafeel ko kanina biglang nawala.
Hindi talaga ako nagkamaling ikaw ang ipakilalang ama ng anak ko.
"Baby Wonwoo are you alright?"
Namula ang mukha ko sa endearment na itinawag sa akin ni Mingyu dahil nandun ang manager niya at isang babae.
Tumango nalang ako bilang sagot.
"Mingyu we need to talk," seryosong sabi ng manager niya saka siya inaya sa labas ng kwarto.
"H-hello,"
Napaangat naman ang kilay ko ng magsalita ang babaeng kanina lang ay nakapulupot kay Mingyu.
"Hi,"
"Ako nga pala si Tzuyu," mabait nitong sabi saka inilahad ang kamay. Tinanggap ko naman ito, mukha naman siyang mabait.
"Wonwoo,"
"Ahmmm...Pasensya na pala kanina, alam kong nakita mo yung pagyayakapan namin ni Mingyu. Hindi namin sinasadya iyon, nawalan lang siya ng balanse."
"Hindi mo kailangang mag explain sa akin,"
"I feel like I have to explain," muli na naman siyang yumuko.
Nanatili lang akong tahimik habang inaantay siyang magsalita. Si Mina naman ayon walang pakialam sa amin dahil nakatutok ang kanyang atensyon sa panonood sa cellphone.
"Umamin ako kay Mingyu noon na gusto ko siya. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya sa akin. Then I saw how he talks to you on the phone. How happy and glowing he is while talking to you through. And how he run when you saw us,"
"I realize na mahal ka ni Mingyu. At wala akong against sa inyo kahit na pareho kayong lalaki. Maybe he loves you that much,"
Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinasabi niya sa akin. I know the whole story kaya hindi ko magawang maniwala totally sa mga sinasabi niya.
If only you knew Tzuyu he still loves someone but its not me.
BINABASA MO ANG
My Daughter's Dad (Completed)
Fanfiction" Papu kelan babalik si Papa?" "Malapit na siyang umuwi baby, nag iipon lang siya para may pasalubong siya sa baby Mina namin." "Papu, nakita ko na si Papa. May kotse siya, at sabi niya sa akin babalikan niya raw ako doon sa convenience store." T...